^

Bansa

6.6 magnitude na lindol yumanig sa Masbate, wumasak ng mga istruktura

James Relativo - Philstar.com
6.6 magnitude na lindol yumanig sa Masbate, wumasak ng mga istruktura
Makikitang gumuho ang pader na ito matapos ang 6.6 magnitude na lindol na nagmula sa Cataingan, Masbate, Martes
Imahe mula sa Red Cross Youth Masbate chapter

MANILA, Philippines (Updated 10:31 a.m.) — Malakas na paglindol ang gumising sa katimugang bahagi ng Bikol at Kabisayaan ngayong umaga matapos maitala ang magnitude 6.6 na pag-uga ng lupa, Martes nang umaga.

Bandang 8:03 a.m. nang tumama ang nasabing tectonic earthquake sa epicenter na Cataingan, Masbate, pagkukumpirma ng state volcanologists.

Unang iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na 6.5 magnitude lang ito, ngunit tuluyan itong nirebisa bandang 9:30 a.m.

"Pagkilos ng PH fault sa Masbate segment ang pinagmulan ng lindol," pagkukumpirma ni Renato Solidum, direktor ng Phivolcs, sa pabayam ng TeleRadyo.

Iniulat naman ang sumusunod na mga intensity, o lala ng lindol batay sa epekto nito sa tao at mga istruktura, sa mga sumusunod na lugar:

Intensity VII (destructive)

  • Cataingan, Masbate

Intensity V (very strong)

  • City of Masbate, Masbate Almagro at Tagapul-an, Samar

Intensity IV (moderately strong)

  • Palanas at San Jacinto, Masbate
  • City of Sorsogon, Sorsogon
  • City of Legazpi, Albay
  • San Andres, Quezon
  • Mapanas at Palapag, Northern Samar
  • Barugo, Dagami, Dulag, Julita, La Paz, Palo at Tanauan, Leyte
  • City of Sagay, Negros Occidental

Intensity III (weak)

  • City of Baybay, Isabel, Javier at Kananga, Leyte Ormoc City
  • Mulanay, Quezon
  • City of Iloilo

Intensity II (slightly felt)

  • Guinayangan at Lopez Quezon; President Roxas, Capiz
  • Patnongon, Patnongon, San Jose de Buenavista at Tibiao, Antique

Intensity I (scarcely perceptible)

  • Lezo, Aklan
  • City of Dumaguete, Negros Oriental

Dahil sa lakas ng nasabing lindol, inaasahan ang mga pinsala't afterschocks, sabi pa ng Phivolcs.

Sa mga litratong ito na kinunan ng Red Cross Youth sa Masbate, makikita ang pagkapinsala ng ilang bahay at ilang gusali.

Ang ilang kalsada, makikitang nagbitak-bitak habang bumigay at natumba na rin ang ilang pader.

What: Mag 6.5 Earthquake Where: Cataingan, Masbate When: 8:03AM, 18 August 2020 Depth: 1km (tectonic in...

Posted by Dick Gordon on Monday, August 17, 2020

"Philippine Red Cross is on full alert. Keep safe everyone!" sabi ni Sen. Richard "Dick" Gordon, chairperson at CEO ng Red Cross.

Wala pa namang babala ng tsunami, o pagragasa ng tubig sa lupa bunsod ng lindol, sa ngayon.

EARTHQUAKE

MASBATE

PHIVOLCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->