Benepisyo sa Solo Parent Act palawakin pa
MANILA, Philippines — Pinaaamyendahan ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Alfred Delos Santos ang Solo Parent Act para mas mapalawak pa ang mga benepisyo at pribiliheyo ng mga single parent sa gitna ng health crisis na kinakaharap ng bansa.
Ayon kay Delos Santos, napapanahon ngayon ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo at pribilehiyo sa single parents dahil karamihan sa kanila ay naapektuhan ng pagbagsagsak ng ekonomiya dahil sa COVID-19 pandemic na nagpapahirap din sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
Giit pa ng kongresista, bagama’t naalarma si sitwasyon ng ekonomiyang bawat Filipino ay mas nababahala siya sa kalagayan ng single parents lalo na ngayong nalalapit na ang pasukan sa eskwela ng mga bata.
Sa ilalim ng House Bill No. 5479 ni Delos Santos layon nito na dagdagan ang mga benepisyo at pribilehiyo ng solo parents sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act 8972.
Kabilang dito ang pagbibigay ng 20% fare discount sa domestic regular fares, 5% discount sa buwanang bayad sa tubig at elektrisidad kapag hindi lumampas sa 200Kwh para sa kuryente habang 30 m3 para sa tubig, 20% discount sa pagbili ng mga gamot at medical supplies, professional fees sa medical at dental sa lahat ng pribadong ospital, gayundin sa home care services at laboratory fees.
- Latest