Mali at iresponsable ang kuda ni Gadon vs COVID-19 face mask — DOH

Makikitang nagsasalita ang kontrobersyal na abogadong si Larry Gadon habang nakababa ang kanyang face mask, bagay na hindi niya raw pinaniniwalaang dapat isuot sa publiko ngayong may COVID-19
Mula sa Facebook page ni Atty. Larry Gadon

MANILA, Philippines — Hindi nakakatulong at nakakatuwa, ganyan tignan ng Department of Health (DOH) ang pagmamaliit ni Larry Gadon, isang talunang kandidato sa pagkasenador, sa coronavirus disease (COVID-19) at paggamit ng face masks kontra rito.

"May mga studies na po at ebidensya — scientific studies — na sinasabi when you wear a mask, you protect yourself 85% [more] from being infected... This is not a joking matter," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang briefing, Lunes.

"Baka sumunod ang mga tao, hindi nila [isuot], magkakasakit sila. And sino ba ang huling sasalo na sasalo sa mga nagkakasakit? 'Yung mga healthcare workers natin ngayon na really suffering already."

Una nang sinabi ni Gadon, na kilala sa pagtawag ng "bobo" sa mga tao, na hindi siya naniniwala sa paggamit ng face masks sa labas ng bahay lalo na't marami pa ring nagkakasakit kahit obligado na ito.

Mas okey daw ang face shield lang — na walang batayan — kumpara sa mga face masks sa mas akma raw sa maliliit na lugar gaya ng elevator at maliliit na conference rooms.

Basahin: Regardless of Gadon's beliefs, WHO recommends face masks and IATF requires them

Kamakailan lang nang pagtawanan sa social media si Gadon matapos i-glue ang kanyang face mask sa mismong face shield, dahilan para hindi talaga matakpan ng maskara ang mukha niya.

"The mask is only for a show because stores will not allow entry if you don't have a mask. If mask is really effective, how come there are more than 100,000 people afflicted with COVID? And more than 2,000 dead victims?" sabi niya noong Sabado. Hindi siya doktor.

"COVID is a virus just like colds, cough, flu. Everybody will catch the virus. Someway, somehow, sooner or later. I DON'T BELIEVE IN MASKS."

“COVID FEAR was created by paranoia.” Here’s what Atty. Larry Gadon has to say regarding his picture circulating online...

Posted by ONE News on Sunday, August 16, 2020

Kasalukuyang inoobliga ng gobyerno ang pagsusuot ng parehong face masks at face shields sa loob ng mga pampublikong transportasyon at trabaho bilang pananggalang sa COVID-19, isang kabalintunaan lalo na't masugid na tagasunod ng administrasyong Duterte si Gadon.

Umabot na sa 161,253 ang nahawaan sa COVID-19 sa Pilipinas sa huling talaga ng DOH noong Linggo. Sa bilang na 'yan, 2,665 na ang patay.

Pinaalalahanan naman ni Vergeire ang lahat ng kilalang tao na maging responsable sa paggamit ng kanilang impluwensya, lalo na't buhay at kamatayan ang pinag-uusapan.

"Kapag nagsasabi po kayo ng mga ganitong misinformation, nagkakaroon po 'yung ibang tao ng pagsunod at false sense na akala nila totoo. Dito po tayo magkakaron ng problema," dagdag pa ni Vergeire.

"This is not a joking matter. Alam ng mga tao, may mga namamatay, may mga nagkakasakit, nagsu-suffer ang economy."

Agham sa likod ng maskara

Sabi ng DOH, lalong tataas ang 85% na proteksyon laban sa COVID-19 oras na sumunod sa physical distancing ang isang tao — o yaong papapanatili ng hindi bababa sa isang metrong layo sa iba pa.

"And when you wear face shield [alongside face masks and distancing] based on the local study which has just been released, 99% ang prevention," dagdag pa ni Vergeire.

Kasalukuyang inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng face masks kasabay ng distancing, madalas na paghuhugas ng kamay at pag-uwas sa paghawak ng mukha laban sa pandemya.

"For areas of widespread transmission, with limited capacity for implementing control measures and especially in settings where physical distancing of at least 1 metre is not possible — such as on public transport, in shops or in other confined or crowded environments — WHO advises governments to encourage the general public to use non-medical fabric masks," sabi pa ng WHO.

Ayon naman sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), inirerekomenda ang mga face mask bilang "simple barrier" para maiwasan ang pagtalsik ng respiratory droplets sa ere sa tuwing umuubo, bumabahing, nagsasalita o nagtataas ng boses ang isang tao.

Kilalang naililipat ang COVID-19 sa pamamagitan ng mga nasasabing respieratory droplets.

Taliwas sa mga sinasabi ni Gadon, lumalabas din sa pag-aaral ng CDC na kulang ang bisa ng face shields kung hindi sasamahan ng medical masks.

"Face shields are not meant to function as primary respiratory protection and should be used concurrently with a medical mask (for droplet precautions) or a respirator (for airborne precautions) if aerosol-generating procedure is performed," sabi nila. — may mga ulat mula sa ONE News

Show comments