Higit 135K overseas Pinoy na ang umuwi dahil sa pandemic - DFA
MANILA, Philippines — Pumalo na sa higit 135,000 overseas Filipino ang umuwi sa bansa dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 10,000 Pilipino ang nakauwi kamakailan sa pamamagitan ng repatriation flights, dahilan para umabot sa 135,290 ang kabuuang bilang ng mga kababayang umuwi sa Pilipinas mula noong Pebrero.
Ang pinakahuling batch ng mga na-repatriate ay mula Middle East, kung saan karamihan ay nag-avail ng amnesty dahil sa overstaying.
May halos 3,000 seafarers ding natulungan ang DFA na makabalik ng bansa, kabilang iyong mga galing sa China, Japan, India, Canada at United States.
Marami rin umanong overseas Filipino ang pinili na lang umuwi dahil sa kawalan ng oportunidad sa ibang bansa dala ng pandemya.
Ngayong araw naman nakatakdang umuwi ang unang batch ng reptriated Filipinos mula sa Lebanon, na naapektuhan ng pagsabog sa kabisera nitong lungsod na Beirut, sabi pa ng DFA.
- Latest