^

Bansa

Bong Go namigay ng ayuda sa Parañaque fire victims

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 100 pamilya na binubuo ng 407 indibiduwal ang agad nakatanggap ng ayuda mula kay Senator Christopher “Bong” Go nitong Biyernes matapos masunog ang kanilang mga tahanan sa Lower Taiwan, Doña Soledad Extension, Barangay Don Bosco, Parañaque City.

Namahagi ang opisina ni Sen. Go ng food packs, facemasks, mga gamot, alcohol, gift cards at financial assistance sa ilalim ng estriktong health protocols.

Nagbigay din si Sen. Go ng mga bisikleta at motorcycles backriding barriers na donasyon ng Angkas sa mga piling residente.

“Kita niyo naman ako, ito naka-Amerikana pa dahil may bicam kami, pero nandito po ako para kumustahin kayo. Nandiyan po ang mga staff ko, may dala-dalang kaunting tulong sa mga nasunugan diyan sa Parañaque. Alam ko po ang nararamdaman ninyo at sana sa tulong na ibinabahagi namin ay makatulong ito na maitawid kayo ngayon sa inyong sitwasyon,” sabi Go sa isang video call.

“Sa panahon ngayong may pandemya dulot ng COVID-19, mahirap mawalan ng bahay at kagamitan. Kaya kapag may ganitong mga insidente, agaran tayong rumeresponde, kasama ang ilang ahensya ng gobyerno,” dagdag ng senador.

Isinusulong ni Sen. Go ang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection sa pamamagitan ng inihain niyang Senate Bill 204 o Fire Protection Modernization Act of 2019 na layong maiayos ang BFP nang sa gayo’y mapagbuti ang pagresponde sa mga sunog, sakuna at kalamidad.

Ayon sa senador, panahon na para ma-upgrade ang pasilidad at ang kakayahan ng mga pamatay-sunog.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with