^

Bansa

'Back-to-school' sa Oktubre inihirit sa Senado habang may pandemya

Philstar.com
'Back-to-school' sa Oktubre inihirit sa Senado habang may pandemya
Binabati ng mga estudyanteng ito ang isinagawang "school opening simulation" sa Commonwealth High School noong ika-31 ng Mayo, 2019
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Parami nang parami ang nananawagan ngayon, lalo na sa Senado, na huwag munang maituloy ang pagbubukas ng mga klase sa loob ng dalawang linggo dahil sa krisis dulo ng coronavirus disease (COVID-19) — bagay na magpaatras sa edukasyon ng mga bata nang ilang buwan.

Matatandaang sinuspindi ang mga klase sa elementarya hanggang kolehiyo noong Marso — lalo na yaong mga pisikal na pasok —  bilang pagsusumikap ng gobyerno na hindi mahawaan ng nakamamatay na virus ang mga estudyante.

Miyerkules at Huwebes nang umapela ang mga nabanggit sa Mataas na Kapulungan lalo na't hindi pa raw handa ang sistema ng edukasyon ng bansa sa ngayon sa gitna ng pandemya.

"Forcing schools to open this August will only defeat the purpose of education. Let us accept the fact that we are not fully ready, and it will not be wise, to simultaneously open School Year 2020-2021," ani Sen. Francis Tolentino kahapon.

Nakatakdang magsimula sa ika-24 ng Agosto ang pasok ng mga bata ayon sa Department of Education (DepEd), na kaaanunsyo lang ng pagkakaawas ng 4 milyong estudyante na nag-enrol para sa school year 2020-2021.

Basahin: DepEd: 4-M estudyante dadagdag sa 'out-of-school youth' sa susunod na school year

Hiling naman ni Sen. Christopher "Bong" Go, baka maaaring sa Oktubre 2020 na lang magsimula ang mga klase, para na na rin makapaghanda pare-pareho ang mga estudyante at guro.

"Umaapela ako sa executive branch na kung maaari ay i-postpone muna ng ilan pang buwan ang pagbubukas ng klase habang wala pang bakuna sa COVID-19," sabi ni Go.

"Kung hindi pa handa, huwag nating pilitin.  Magiging kawawa ang mga estudyante, kawawa ang mga teachers. Hirap na po ang mga Pilipino, huwag na nating dagdagan pa ng pressure ang mga bata at mga magulang nila."

Basahin: COVID-19 vaccine muna dapat bago magbukas ang mga eskwela — Duterte

May kaugnayan: 6 buwang walang ibabagsak?: Senators nagpayo bago ang 'distance learning'

Hirit pa niya, kung hirap ang Senado sa pagtransition sa online hearings, 'di hamak na mahihirapan ang mga bata sa "blended learning,"  na gagamit ng internet, radyo, telebisyon at printed modules sa pag-aaral.

Isang resolusyon naman ang itinutulak ng Alliance of Concered Teachers (ACT) para hilingin ang kahalintulad na apela nina Go at Tolentino.

Aniya, mismong ang DepEd na ang umamin na 38% lang ng mga school division offices ang "half-ready" at nakapag-print na ng modules, habang huling-huli naman na ang iba pa.

"No less than DepEd claimed that printed modular learning is the backbone of BE-LCP, hence its unavailability in most schools cannot be taken lightly," sabi ni ACT secretary general Raymond Basilio kanina.

"We hereby call on Senators to sign a resolution recommending that the President move the formal opening of classes until quality learning can be guaranteed for all learners and the health of all involved secured."

ACT calls on Senators to pass resolution urging the President to postpone formal school opening In light of the Senate...

Posted by Alliance of Concerned Teachers-Philippines on Thursday, August 13, 2020

Ika-17 ng Hulyo nang pirmahan ni pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11480, bagay na nagbibigay kapangyarihan sa presidente na magtakda ng ibang petsa ng pagsisimula ng kklase sa bansa, o ilang bahagi ng bansa, sa panahaong nasa state of emergency o calamity ang Pilipinas. — James Relativo 

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

CHRISTOPHER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with