^

Bansa

6 buwang walang ibabagsak?: Senators nagpayo bago ang 'distance learning'

Philstar.com
6 buwang walang ibabagsak?: Senators nagpayo bago ang 'distance learning'
Makikitang gumagamit ng computer ang batang ito sa Lungsod ng Marikina habang naka-face mask at face shield kontra COVID-19 — bagay na gagamitin sa kanilang "distance learning" simula ika-24 ng Agosto, 2020
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Dalawang senador ngayon ang nakikiusap na huwag munang bigyan ng bagsak na grado ang mga estudyante para sa darating na school year 2020-2021, lalo na't marami pa ang nag-aadjust sa "blended learning" sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa pagdinig ng komite ng Senado sa basic education, Miyerkules, sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na dapat magkaroon muna ng pagbabago sa sistema ng paggagrado para na rin mabawasan ang stress ngayong nasa gitna ng pandemya.

"It's an emergency situation. Para tayong nasa gyera pero ang kaaway natin COVID-19. During times of emergencies like this we have to give leeway to the children, sa ating mga kabataan, lalo na sa education sector," ayon kay Zubiri.

"For the next six months, huwag muna nilang gawing pass or fail. Siguro pasado muna lahat until we can come up with a vaccination program or they can come back face-to-face and meet with their teachers again."

May kaugnayan: DepEd: 4-M estudyante dadagdag sa 'out-of-school youth' sa susunod na school year

Nakatakdang magsimula ang mga klase, na hindi pisikal ngunit "blended learning" gamit ang internet, radyo, telebisyon at printed modules, simula ika-24 ng Agosto — dalawang linggo mula ngayon.

'Yan ay para mailayo muna sa risk ng COVID-19 ang mga bata, habang hindi pa rin humuhupa ang epekto ng pandemya sa bansa.

Sumang-ayon din si Sen. Christopher "Bong" Go sa naturang suwestyon, lalo na't labas sa pangkaraniwan at panahon ng kagipitan ang pandemya.

"Habang hindi pa po normal sana wala na lang bumagsak para hindi na po ma-pressure ang mga estudyante," sabi niya.

"In transitioning to online learning, dapat mabigyan ng pantay-pantay na oportunidad ang mga estudyante kahit saan mang parte sila ng bansa at kahit anumang estado nila sa buhay. Kung tayo nga dito sa Senado ay nahihirapan sa transition to online, paano pa kaya sila?"

Kanina lang din nang isiwalat ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan na nasa nasa 23 milyong kabataan lang ang nag-enrol para sa susunod na academic year, bagay na kabawasan nang 4 milyong estudyante habang quarantine.

Nasa 83% lang ng kabuuang enrollment noong school year 2019-2020 ang inaasahang papasok, kasabay ng pagkakatanggal sa trabaho ng milyun-milyon nilang mga magulang habang lockdown.

Tinatayang nasa 380,000 estudyante rin ang nakitang lulipat mula sa mga pribadong paaralan patungo sa mga pampublikong eskwelahan sa gitna ng krisis pang-ekonomiya ng recession at unemployment. — James Relativo

BASIC EDUCATION

BLENDED LEARNING

CHRISTOPHER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with