^

Bansa

DepEd: 4-M estudyante dadagdag sa 'out-of-school youth' sa susunod na school year

James Relativo - Philstar.com
DepEd: 4-M estudyante dadagdag sa 'out-of-school youth' sa susunod na school year
Makikita ang masayang paglabas ng mga estudyante sa larawang ito bago tumama ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas
File

MANILA, Philippines — Ngayong magtratransisyon mula tradisyunal patungong "distance learning" kontra coronavirus disease (COVID-19), milyun-milyong estudyante ang inaasahang hindi makakabalik sa paaralan sa paparating na academic year, pagbabahagi ng Kagawaran ng Edukasyon, Miyerkules.

'Yana ng sinabi ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa naganap na pagdinig ng Senado ngayong araw.

"Mayroon tayong extraordinary non-participation on account of COVID as of today. That is about 4 million learners," sabi ni Malaluan.

"Yes, madam senator" na lang ang nasabi ng DepEd official nang tanungin ni Sen. Nancy Binay kung magiging out-of-school youth — o kabataang wala sa esklwela ang naturang bilang.

Ayon sa mga pinakabagong datos na nakarating sa kanyang noong Martes, sinabi ni Malaluan na nasa 23 milyong kabataan lang ang nag-enrol para sa school year 2020-2021.

Kulang-kulang 83% lang 'yan nang kabuuang enrollment noong nakaraang taon at labis-labis raw sa adjusted target na isinumite ng kagawaran sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Tinatayang nasa 380,000 estudyante rin ang nakitang lumipat mula sa mga pribadong paaralan patungo sa mga pampublikong eskwelahan.

Tila kabalintunaan naman na lumabas ang naturang balita ngayong ika-12 ng Agosto, na mismong araw ng 2020 International Youth Day.

Kasabay ng krisis pang-ekonomiya

Nangyayari ang lahat ng ito matapos umakyat sa 17.7% ang tantos ng kawalang trabaho (7.3 milyong Pilipino) sa Pilipinas noong kasabay ng kaliwa't kanang lockdowns kontra COVID-19 noong Abril. Ito na ang pinakamataas na pwedeng ikumpara sa kasaysayan ng bansa, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

May kaugnayan: 'Record-high': 17.7% kawalang trabaho naitala nitong Abril kasabay ng COVID-19

Sa tala ng Department of Labor and Employment, nasa 2,068 kumpanya o employer din ang nagsara noong Hunyo, lalo na't hindi makapag-operate ang nang ibaba ang enhanced community quarantine (ECQ) kontra hawaan.

Naka-"technical recession" ngayon ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa krisis pang-ekonomiya, sa paglagapak ng gross domestic product (GDP) nang 16.5% year-on-year mula Abril hanggang Hunyo — ang pinakamatindi simula pa noong 1981.

Basahin: 'Recession': Ano 'yan at bakit dapat mabahala ngayong quarantine?

Nitong Mayo lang din nang sabihin ng Social Weather Stations na dumoble ang bilang ng mga pamilyang nagugutom sa gitna ng COVID-19 lockdowns — mula 8.8% (2.1 milyong pamilya) noong Disyembre 2018 patungong 16.7% (4.2 milyong pamilya).

Handa sa 'blended learning'?

Ngayong hindi pa rin humuhupa ang pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa, na ngayo'y 143,749 na, naninindigan pa rin ang gobyerno na ituloy ang mga klase sa ika-24 ng Agosto kahit hindi harapan ang pagtuturo.

Nakatakdang gumamit ng sari-saring pamamaraan ngayon ang DepEd upang hindi mahinto ang mga pag-aaral, bagay na kanilang tinatawag na "blended learning," labas sa impresyon na online classes lang ang magaganap/

"Sinusubukan din natin i-convert pa sa educational videos or radio scripts na maaring ihatid thru broadcast medium whether TV or radio," wika ng kagawaran.

Sa ngayon, 33% ng mga eskwelahan pa lang ang nakakakalahati sa pag-iimprenta ng mga modules na gagamitin para sa unang kwarto ng school year.

Nasa 61% naman na, o 132 sa 214 school division offices sa lahat ng rehiyon, maliban sa Bangsamoro, ang nakakatapos na sa pag-iimprenta ng modules.

Prayoridad ngayon na maipamahagi ang mga modules na magagamit para sa unang dalawang linggo ng pasok. — may mga ulat mula kay News5/Maeanne Los Banos

DEPARTMENT OF EDUCATION

NOVEL CORONAVIRUS

OUT-OF-SCHOOL-YOUTH

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with