^

Bansa

DOH hindi pa inirerekomenda ang 'aprubadong' Russian vaccine vs COVID-19

James Relativo - Philstar.com
DOH hindi pa inirerekomenda ang 'aprubadong' Russian vaccine vs COVID-19
Makikita sa litratong ito noong ika-6 ng Agosto, 2020 ang bakuna ng binuo ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology laban sa COVID-19
Handout/Russian Direct Investment Fund/AFP

MANILA, Philippines — Kahit pinangangambahan ng ilang eksperto, makikipagkita ang Department of Science and Technology (DOST) sa mga manufacturers ng isang bakuna mula Rusya na sinasabing "epektibo" kontra coronavirus disease (COVID-19) sa pag-asang lumapit sa ikatatapos ng pandemya.

Kahapon nang sabihin ni Russian President Vladimir Putin aprubado na nila ang  kaunaunahang bakuna ng Gamaleya Research Institute na magbibigay daw ng "sustainable immunity" kontra COVID-19.

Basahin: Russia has developed 'first' coronavirus vaccine — Putin

Pero sa kabila niyan, hindi pa inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang nasabing bakuna, sa dahilang dapat pa raw itong mapag-aralan nang husto.

"Depende pa 'yan. We have to learn more about it. Wala pa tayong documents eh," sabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa ulat ng ANC.

"We need more information. Very scarce pa 'yung information."

Para lalong mapag-aralan ang bakuna, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na makikipag-usap ang gobyerno sa lumikha ng gamot ngayong araw kung paanong mailulunsad ang Phase 3 ng clinical trials sa Pilipinas.

Aniya, ang Department of Science and Technology (DOST) ang makikipag-usap sa Gamaleya tungkol diyan.

"Dadaan siya sa [Food and Drug Administration], dadaan siya sa ethics board because it's a clincal trial, at magkakaroon din ng inclusion and exclusion criteria based on the capacity nitong bakuna na ito," sabi ni Vergeire.

Isang linggo na ang nakalilipas nang kitain ng DOST ang ilang vaccine experts panel para malaman anu-anong bakuna na ang nasa Phase 3 ng trials, habang sinisilip anu-ano ang advantages at disadvantages ng mga ito. Isa lang doon ang gawa ng Rusya.

"We are trying to estimate also, of course, our needs dito sa country natin. So we can acertain kung ilan talaga ang kakailanganin, at kung mapro-produce ba o kung makakakuha ba tayo talaga," sambit pa ni Vergeire.

Duterte 'pag-eeksperimentuhan'?

Lunes nang banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte nag-alok na ang Rusya ng suplay ng nasabing bakuna oras na maging available ito. Aniya, wala raw pinag-uusapang gastusin ang Pilipino.

Sinabi pa ni Digong na handa siyang maunang magpaturok para matiyak na ligtas ang bakuna: "Ako, pagdating ng bakuna, in public, para walang satsat diyan, in public magpa-injection ako. Ako ‘yung maunang ma-eksperimentuhan. Okay para sa akin," wika niya.

Martes nang iulat ng DOH na umabot na sa 139,538 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 2,312 na ang namamatay.

Minadali ang bakuna?

Binalaan naman ng ilang grupo ang Pilipinas mag-ingat sa pagsubok sa nasabing bakuna,.

Ayon sa TrialSite, isang non-profit group na nakabase sa Amerika, inirehistro agad ni Putin ang bakuna kahit na hindi pa nagsisimula ang "critical" Phase 3 trials.

Basahin: US trials watchdog to Philippines: Be ‘cautious’ in trying out ‘Sputnik V’ vaccine

May kinalaman: Russia COVID-19 vaccine claim faces skepticism as nations renew virus battle

Ngayong Miyerkules pa lang magsisimula ang advanced trials ng Gamaleya ayon sa Russian Development Investment Fund (RDIF), bagay na lalahukan daw ng libu-libong tao.

Pagtitiyak ni Vergeire, hihingi naman daw sila ng mga dokumento para malaman kung minadali lang talaga ang Phase 1 at Phase 2 ng mga clinical trials bago aprubahan o ibasura ang pagpapakalat ng bakuna.

"Pag-aaralan natin 'yang dosier nila, makikita natin 'yung mga allegations kung hindi ba dumaan sa Phase 1... Phase 2 ['yung gamot], ano ['yung] findings during these different phases of the trial," sabi ng DOH official.

"Hihingiin naman natin 'yung complete dosier... Kapag ang isang technology, or katulad niyan, bakuna, dumarating dito sa atin at iiintroduce for a clinical trial, pag-aaralan 'yan ng mga eksperto natin. As I've said, we have the vaccine expert panel, we also have the [FDA] to do that."

Related video:

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

RUSSIA

VACCINE

VLADIMIR PUTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with