MANILA, Philippines — Muling magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng bawas-singil sa kuryente ngayong Agosto.
Ayon sa Meralco, bababa ng 20.55 sentimo kada kWh ang singil kaya’t aabot na lamang ang kanilang rate sa P8.4911/kWh ngayong buwan.
Ito na anila ang pinakamababa nilang rate sa loob ng halos tatlong taon o simula noong Setyembre 2017.
Ang pagbaba ng singil ay bunsod na rin ng pagbaba ng generation charges ng 21.03 sentimo/kWh at naging P4.1241/kWh na lamang nitong Agosto.