Unahin ang pamumuhunan sa mga Pinoy - Salceda

MANILA, Philippines — Hinikayat ni House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ang economic managers ng bansa na bigyan ng patas na pagpapahalaga ang pamumuhunan sa mga imprastraktura at mga mamamayang Pilipino para matiyak na ang pag-urong ng ‘gross domestic product’ (GDP) ay hindi lumala sa permanenteng pagkawala ng kita at pagbagsak ng pambansang ekonomiya.

Sa mga ulat, sumad­sad ang ekonomiya ng Pilipinas sa 16.5 porsi­yento dahil sa pananalasa ng COVID-19.

Sa kabila nito, binig­yang diin ni Salceda na nananatiling matibay at ‘resilient’ pa rin ang pambansang ekonomiya.

Kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa mga economic managers tungkol dito, habang kasalukuyan din niyang binabalangkas ang mga panukala para sa ‘economic reconstruction’ na sana ay konsiderahin ng gobyerno.

Anya, dapat ipasa agad ng Kongreso ang mga panukalang repormang pang-ekonomiya na sadyang kailangan na.

Paliwanag ni Salceda na dapat pagtuunan din ng ibayong atensiyon ang agrikultura na sadyang kailangan kahit sa panahon ng krisis gayundin ang pangangalaga sa kalusugan upang mapanatili ang tiwala dito ng mga negos­yo at mamamayan.

Show comments