MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Enteng na inaasahang magpapaulan sa Bicol Region.
Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 420 kilometro silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora o 445 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay ni Enteng ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kph at pagbugso na 70 kph.
Iiral naman ang habagat sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Romblon, at Northern Palawan kasama na ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands) at minsang pag-ulan sa buong Pangasinan, Metro Manila, Western Visayas, at nalalabing bahagi ng Central Luzon, MIMAROPA at CALABARZON.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga nakatira sa naturang mga lugar dahil sa banta ng pagbaha at landslide.