PhilHealth exec nagbitiw

MANILA, Philippines — Nagbitiw sa puwesto si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Senior Vice President Augustus de Villa sa gitna ng imbestigasyon na ginagawa ng Senado kaugnay sa umano’y anomalya sa nasabing ahensiya.

Base sa kopya na nakuha ni Senate President Vicente Sotto III ang re-signation letter ay may petsang August 6.

“I hereby tender my irrevocable resignation, effective immediately... The Vice Chairman knows full well the reasons,” nakasaad sa resignation letter.

Tiniyak naman ni De Villa na makikipagtulu-ngan siya sa ginagawang imbestigasyon ng Sena- do at Kamara kaugnay sa PhilHealth.

Ayon naman kay Sotto, noong dumalo sa pagdinig ng Senado si De Villa ay nangako itong isusumite lahat ng kaukulang dokumento.

Iginiit naman ng Se-nate president na dapat mayroong magandang dahilan ang opisyal kung bakit siya nagbitiw sa puwesto sa kanyang mu-ling pagharap sa Senado sa Agosto 11.

Show comments