^

Bansa

PhilHealth: Walang ibinulsang P15-bilyon ang senior officials namin

James Relativo - Philstar.com
PhilHealth: Walang ibinulsang P15-bilyon ang senior officials namin
Logo ng PhilHealth
The STAR, File

MANILA, Philippines — Pinasinungalingan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga paratang ng isang testigo hinggil sa diumano'y pagnanakaw ng P15 bilyong pondo ng ilan nilang opisyal.

Ito ang sinabi ng PhilHealth, Huwebes nang umaga, sa isang paskil sa Facebook habang binabanatan ang pasabog ng dati nilang anti-fraud legal officer na si Thorsson Keith sa Senado.

Basahin: Whistleblower accuses PhilHealth execs of stealing P15 billion through fraud schemes

"[PhilHealth] categorically denies in strongest terms that its senior officials have 'pocketed' some P15 billion as alleged by Thorsson Keith during the Senate hearing on August 4, 2020," sabi ng ahensya.

"The fund alluded to by Atty. Keith was the Interim Reimbursement Mechanism (IRM) that was released to a total of 711 health care facilities to assure efficient response to the COVID-19 pandemic."

No P15 billion pocketed by senior officials  The Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) categorically...

Posted by Philippine Health Insurance Corporation on Wednesday, August 5, 2020

Aniya, wala raw nangyayaring pagpabor sa paglabas ng mga nasabing pondo, at sumunod lang daw sila sa mga panuntunan.

Ayon kasi kay Keith, opisyal na nag-resign na, gumawa ng mga hindi awtorisadong claims payments ang ahensya sa mga piling ospital — bagay na aabot daw sa daan-daang milyong piso.

Pero taliwas sa mga ulat na hindi na na-aacount ng mga ospital ang pondong ito, subject pa rin naman daw ito sa pag-o-audit ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM), kung kaya't subject pa rin naman daw ito ng liquidation ng mga nakatatanggap ng pondo.

"The PhilHealth regional offices have been given the flexibility in the timing of liquidations recognizing the situations in each hospital," sabi pa ng ahensya.

Bukod pa riyan, una nang sinabi ni Keith na maanomalya rin daw ang procurement ng ilang equipment ng PhilHealth, sa dahilang overpriced daw ang mga kinukuha.

"What we found at PhilHealth is the crime of the year due to the syndication of the distribution of cash advance, the interim reimbursement mechanism, and the repeated overpricing of purchased [information technology] IT equipment," ani Keith.

Inakusahan din ni PhilHealth board member Alejandro Cabanding si PhilHealth President at CEO Ret. Gen. Ricardo Morales hinggil sa pag-eendorso diumano ng mga nasabing overpriced IT budget, bagay na umabot daw sa P750 milyon

"There were numbers in the IT budget in financial reports that do not add up. I brought it up with the board but the most frustrating part is the management seems to be tolerating such acts," sabi ni Cabanding.

Aminado naman si Morales na aabot sa 7.5% ang fraud index ng PhilHealth, na katumbas ng nawalang P10.5 bilyon.

Pero depensa niya, wala naman daw kasing sistema sa mundo na walang lokohan: "PhilHealth's allegedly overpriced P2.1 billion It program over three years is paltry compared to the tens of billions of pesos lost to fraud every year," sabi ni Morales.

'Higit sa whiff of corruption'

Matindi naman ang pagkadismaya ni Sen. Panfilo Lacson sa kung paano hinahawakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu, lalo na't wala raw siyang planong sisantehin si Morales "hangga't walang ebidensya" ng katiwalian.

May kaugnayan: Duterte won't fire PhilHealth chief until he has evidence of corruption — Malacañang

Pero sabi ni Lacson, klaro naman ang mga transcript ng Senado noong pagdinig, bagay na maaari naman daw silipin ng Palasyo. Aniya, siya pa raw ang magpapadala ng mismong transcript nang masilip ang mga testimonya ni Morales at mga resource persons.

"Sabi niya kasi noong araw 'di ba, 'Just a whiff of corruption, you're fired," sabi ni Lacson sa panayam ng ANC.

"The buck stops... in his table. Pero 'pag ganito ba naman na may pandemya na, pagkatapos ganyan ang maririnig natin... ako I was shocked... I'm disappointed."

Kahapon lang nang sabihin ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na nangyayari ang lahat ng ito lalo na't panay "incompentent" na retiradong heneral ang inilalagay ni Duterte sa mga top civilian posts.

CORRUPTION

PANFILO LACSON

PHILHEALTH

RICARDO MORALES

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with