PhilHealth chief hindi sisibakin ni Duterte
MANILA, Philippines — Hindi sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si PhilHealth Chief Ricar-do Morales, ito’y sa kabila ng nabunyag na mga umano’y katiwalian sa ahensiya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi mismo ng Pangulo na hindi niya aalisin si Morales kung walang ebidensiya na mag-uugnay sa kanya sa korapsiyon.
Sinabi ni Roque na idino-dokumento na ng Senado ang mga ebidensiya at nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon si Usec. Melchor Quitain ng Office of the Special Assistant to the President.
Desisyon na umano ni Morales kung pansamantala itong aalis sa puwesto habang nagsasagawa ng mga imbestigasyon.
Naniniwala si Roque na kapag naiprisinta na ang mga ebidensiya sa Pangulo ay gagawin nito ang nararapat.
Nabatid sa pagdinig kahapon ng House Committee on Public Accounts na P102 bilyon ang nawala sa PhilHealth dahil sa overpayment at P51.2 bilyon dahil sa katiwalian o kabuuang P153.7 bil-yon sa loob ng limang taon o mula 2013 hanggang 2018.
- Latest