MANILA, Philippines — Bahagyang bumilis ang pagsipa sa presyo ng mga bilihin at serbisyo sa nagdaang buwan ng Hulyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, nakapagtala ng 2.7 percent inflation noong Hulyo, mas mataas kumpara sa 2.5 percent noong Hunyo.
Pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation ay ang pagtaas ng presyo ng transportasyon.
Partikular sa nagtaas ang presyo ng pamasahe sa tricycle habang nasa kasagsagan ng pag-iral ng community quarantine ang bansa.
Tumaas din ang presyo ng housing, water, electricity, gas at restaurant.