Backriding pwede sa mga essential workers
MANILA, Philippines — Pinapayagan na ang backriding o pag-angkas sa motorsiklo ng mga authorized person outside of residence o APOR sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine.
Pero ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, dapat ay work-related o pupunta sa trabaho ang angkas.
“Isa pong update: Bagama’t bawal pa rin po ang back riding, mayroon po tayong isang exception – kapag ang pasahero po ay APOR or Authorized Person Outside of Residence at ang biyahe ay work-related, pupuwede pong mag-angkas,” ani Roque.
Nilinaw din ni Roque na hindi kinakailangang mag-asawa ang magka-angkas basta’t may kinalaman sa trabaho ang biyahe sa motorsiklo at sila ay kabilang sa mga pinapayagang lumabas ng tahanan.
“Pero uulitin ko po, ang back ride ay para lamang sa APORs na papunta po sa biyahe na work-related at hindi naman po niri-require na mag-asawa kapag APOR ang sakay ‘no. Kahit na ang driver ay hindi related sa pasahero, basta APOR po ang sakay pupuwede,” ani Roque.
Idinagdag ni Roque na dapat ay pribado ang motorsiklo at hindi ginagamit bilang motorcycle taxi.
- Latest