Quarantine pass, gagamitin ulit sa MECQ areas

Si Pangulong Rodrigo Duterte nang makipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Malago Clubhouse sa Malacañang kamakalawa ng gabi bago niya ianunsyo ang pagbabalik sa modified ECQ ng Metro Manila at karatig lalawigan.
King Rodriguez/ Presidential photo

MANILA, Philippines — Kinakailangan muli ng quarantine passes ng mga residenteng naninirahan sa mga lugar na isinailalim muli ng pamahalaan sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, napag-usapan na nila ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) ang paggamit muli ng quarantine pass ng mga residente upang matiyak na limitado lamang ang paglabas ng mga ito ng kanilang mga tahanan.

Tanging ang mga awtorisadong indibidwal lamang ang papayagang lumabas ng bahay at dapat na mahalaga ang sadya ng mga ito, gaya nang pagbili ng kanilang mga pangunahing pa­ngangailangan.

Ipinauubaya na nila sa mga local government units (LGUs) kung paano ito ipatutupad.

Asahan na rin ng publiko aniya ang pag­lalagay muli ng mga quarantine checkpoints sa MECQ areas, partikular na sa mga boarder ng mga ito.

Show comments