^

Bansa

Misa sa mga simbahan sinuspinde mula Agosto 3-14

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Misa sa mga simbahan sinuspinde mula Agosto  3-14
Sa labas na lamang ng Quiapo Church sa Maynila nagdasal ang mga dumalo ng Sunday mass matapos na hindi makapasok dahil sa muling pagpapairal ng enhanced community quarantine (ECQ) protocols ng Simbahang Katolika bilang pagsuporta sa panawagan ng mga health workers na ilagay sa ECQ ang Mega Manila kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Muling ipatutupad ng Manila Archdiocese ang mga protocols sa ilalim ng ‘enhanced community quarantine (ECQ)’ sa mga simbahan na sakop nila sa loob ng dalawang linggo makaraang madinig ang panawagan ng mga medical frontliners.

“As a response to the call of our medical people, all the churches and shrines in the Archdiocese of Manila will revert to the period of the ECQ protocols,” ayon kay Manila Archdiocese administrator Bishop Broderick Pabillo.

Hindi muna magsasagawa ng anumang pampu­blikong ‘religious activities’ ang archdiocese mula Agosto 3-14 ngunit patuloy pa rin ang kanilang online na mga aktibidad.

Naiintindihan umano ng simbahan ang pagod at pagbaba ng moral ng mga medical frontliners dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nahahawa ng virus dahilan ng sobrang trabaho sa mga pagamutan.

Gagamitin din ng simbahan ang dalawang linggo sa ebalwasyon ng kanilang mga aktibidad ukol sa pandemya at kung paano pa ito mapapabuti.

Nanawagan din ang simbahan sa publiko na seryosohin ang panawagan ng mga medical frontliners na sumunod sa mga health protocols lalo na ang simpleng pagsusuot ng face masks, physical distancing kapag nasa labas at pampublikong lugar, palagiang paghuhugas ng kamay at pananatili sa bahay lalo na kung hindi naman kinakailangan ang paglabas.

ECQ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with