Mamahagi na ng face mask, face shield

Ito ay dahil marami na umano sa ating mga kababayan ang nanggigitata na o marumi na ang face mask subalit patuloy pa rin itong ginagamit dahil sa walang pambili.
Edd Gumban/ STAR

MANILA, Philippines — Umapela si Sen. Bong Revilla sa Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Di­seases na mamahagi ng mga fask mask at face shield sa publiko.

Ito ay dahil marami na umano sa ating mga kababayan ang nanggigitata na o marumi na ang face mask subalit patuloy pa rin itong ginagamit dahil sa walang pambili.

Kaya para masiguro na hindi magkakahawa-hawa ay ang gobyerno na mismo ang dapat mamahagi ng face mask at face shield.

Ang panawagan ng Senador ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Mungkahi pa ni Revilla na dapat ibaba ng national government sa local government units (LGUs) ang pamamahagi ng face masks at face shields.

Sa ganitong dahilan ay wala na umanong maidadahilan pa ang mga tao para hindi magsuot nito.

Show comments