Pag-isyu ng cell site permit pinabibilisan

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng local government chief executives sa bansa na mabilis na aksiyunan ang aplikasyon ng telcos para sa permit sa pagtatayo ng tower, o harapin ang ‘pinakamasamang epekto’ ng pagkakaantala ng cell sites.

Sa COVID-19 briefing sa Malacañang, masusing tinalakay ng halatang naiinis na Pangulo ang mga paraan sa kung paano mapagbubuti ang internet connectivity para sa online learning sa bansa nang ipabatid sa kanya na ang LGUs ay bahagi ng ‘mas malaking problema’ sa pagtatayo ng cellular tower.

“We are suffering from this problem of infrastructure construction delay for many, many years, even before your administration, 25-29 permits will take us eight months to secure... aside from different kinds of tower fees and special land use permit,” pahayag ni Ernest Cu, Globe Telecom president and CEO, na nakikinig sa COVID-19 briefing ng Pangulo.

Bilang tugon, sinabi ni Duterte na,  “you can ask Bong (Sen. Go), or Dominguez (finance secretary), or the Generals, or Sec. Año.

Just lodge your complaint directly... because my order to the Cabinet now is to take the most drastic measure they can find.”

“This is my last mile, I make no apologies about it,” pagbibigay-diin ni Duterte.

Sa kanyang panig, tiniyak ni DILG Sec. Eduardo Año sa telco executives na mahigpit na tatalima ang mga lokal na pamahalaan sa kautusan ng Pangulo na pabilisin ang pagproseso at pagpapalabas ng lahat ng digital infrastructure construction clearances at permits.

“From 200 days down to 20 or 16 days, or even less. That’s our target from filing to the releasing of the building permit application,” sabi ni Año.

Show comments