55% ng Pinoy komportableng bumalik sa trabaho, simbahan matapos ang lockdown - SWS

Sa survey ay nagpakita rin na 45% ang nakakaramdam na komportable at 54% ang hindi komportable na makiisa sa mga religious services tulad ng pagpunta sa simbahan o mosque.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hati ang pananaw ng mga Pilipino hinggil sa pagpunta ng trabaho kahit maalis na ang community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa 1,550 adults na tinanong ng SWS national mobile phone survey noong July 3-6,  47 percent ang may trabaho at 53 percent ang unemployed o wala talagang trabaho.

Sa mga trabaho, 55% ang nagsabi na kompor­table sila na bumalik sa trabaho at 40% ang hindi komportable kung ang lockdown ay matatapos na ngayong Agosto.

Sa survey ay nagpakita rin na 45% ang nakakaramdam na komportable at 54% ang hindi komportable na makiisa sa mga religious services tulad ng pagpunta sa simbahan o mosque.

Ang mga nakakaramdam na komportable sila na bumalik sa trabaho ay mataas sa Mindanao na 64% at 45% sa simbahan, Visayas na may 50% habang ang mga taga Metro Manila ay 45% sa trabaho at 39% sa religious activities.

Mas madami ang mga kalalakihan na kompor­table na magpunta sa trabaho kaysa sa mga kababaihan.

 

Show comments