55% ng Pinoy komportableng bumalik sa trabaho, simbahan matapos ang lockdown - SWS
MANILA, Philippines — Hati ang pananaw ng mga Pilipino hinggil sa pagpunta ng trabaho kahit maalis na ang community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa 1,550 adults na tinanong ng SWS national mobile phone survey noong July 3-6, 47 percent ang may trabaho at 53 percent ang unemployed o wala talagang trabaho.
Sa mga trabaho, 55% ang nagsabi na komportable sila na bumalik sa trabaho at 40% ang hindi komportable kung ang lockdown ay matatapos na ngayong Agosto.
Sa survey ay nagpakita rin na 45% ang nakakaramdam na komportable at 54% ang hindi komportable na makiisa sa mga religious services tulad ng pagpunta sa simbahan o mosque.
Ang mga nakakaramdam na komportable sila na bumalik sa trabaho ay mataas sa Mindanao na 64% at 45% sa simbahan, Visayas na may 50% habang ang mga taga Metro Manila ay 45% sa trabaho at 39% sa religious activities.
Mas madami ang mga kalalakihan na komportable na magpunta sa trabaho kaysa sa mga kababaihan.
- Latest