^

Bansa

'Open time': Computer shops, gyms atbp. papayagan sa GCQ areas simula Sabado

James Relativo - Philstar.com
'Open time': Computer shops, gyms atbp. papayagan sa GCQ areas simula Sabado
Litrato ng mga batang naglalaro sa isang computer shop bago tumama ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas
Philstar.com, File

MANILA, Philippines — Madagdagan ang mga negosyo't establisyamentong maaaring magbukas simula Sabado, ayon sa kautusang inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), Miyerkules.

Ayon sa pahayag na inilabas ni presidential spokesperson Harry Roque, inilipat daw sa "Category III" industries ang mga dating "Category IV" industries na papayagan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ngayong talamak ang coronavirus disease (COVID-19).

"These include testing and tutorial centers, review centers, gyms, fitness centers and sport facilities, internet cafes, establishments offering personal grooming and aesthetic services, pet grooming, and drive-in cinemas," ani Roque.

"All of these recategorized business activities shall gradually resume operations at 30% operational capacity starting August 1."

Sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH), binabalangkas pa sa ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga panuntunang dapat sundin upang matiyak ang kalusugan ng mga pupunta sa mga nasabing businesses.

Samantala, madadagdagan din ang mga establisyamentong papayagan sa mga mas maluluwag na modified general community quarantine (MGCQ) araes, matapos ang pulong ng IATF.

"The members of the IATF, in their 59th meeting, also approved business activities under Category IV, which means, they are allowed in only in areas under modified general community quarantine (MGCQ)," dagdag pa ni Roque.

"These include full body massage; tattoo and body piercing; live events; entertainment industries; libraries, archives, museums and cultural centers; tourist destinations; language, driving, dance/acting/voice schools."

Hindi pa rin naman pinapayagan ang operasyon ng mga sabungan, bahay-inuman at iba pang lugar na nagbebenta ng alak at kid amusement industries sa anumang community quarantine areas.

Ginawa ng IATF ang desisyon kahit araw-araw ay libu-libo ang naidadagdag sa talaan ng mga kumpirmadong kaso.

Sa huling tala ng DOH, pumalo na sa 83,673 ang tinatamaan ng nakamamatay na COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 1,947 na ang pumapanaw mula sa naturang sakit.

Health, medical community pumalag sa desisyon

Pinagkunutan naman ng noo ng ilang doktor at grupo ng health advocates ang desisyon na 'yan ng IATF, sa dahilang delikado pa rin ang mga GCQ areas.

"These areas that they want to open, they are hotspots because they're enclosed environments," pangamba ni Dr. Benjamin Co, isang infectious disease expert, sa panayam ng Philstar.com.

"Our numbers are continuously increasing, yet the number of unknowns is anywhere from 30-60% daily in the NCR."

Dagdag pa niya, magiging problema kung hindi mahusay ang ventilation ng mga naturang lugar sa dahilang maaaring lunsaran lang ito ng hawaan.

Pwede naman daw ito gawin kung totoong bumababa na ang mga kaso, ngunit para kay Co, hindi ito napapanahon:  "[B]etween you and I and common sense, do you think it's the right time to even consider this? The hospitals are overwhelmed."

Ilang ospital na ang halos "full capacity" sa ngayon bunga ng pandemya ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines Inc., dahilan para hilinging mailipat sa mga quarantine facilities ang iba, mapaluwag lang ang mga pagamutan.

Dismayado rin ang Coalition for People's Right to Health (CPRH) sa naturang anunsyo, lalo na't inuuna raw ang pagbubukas ng ekonomiya para sa mga negosyante habang tila walang pakialam sa estado ng healthcare system. 

"Because asymptomatic patients continue to be prioritized less for testing, many carriers may spread the disease once such facilities open, especially without ramping up testing and hospital capacity and wider access to these services," babala naman ni Dr. Josh San Pedro, co-convenor ng CPRH, sa panayam ng PSN.

"Though not a panacea, at this stage of a pandemic where community transmission remains unmitigated, COVID-19 testing needs to be more accessible."

Aniya, dahil sa kawalan ng mass testing ay hirap na hirap nang malaman sino ang potential carriers. Una na rin kasing sinabi ng mga health experts na maaari ring makapagpasa ng COVID-19 ang mga asymptomatic carriers, o yaong may virus pero hindi nagpapakita ng sintomas.

Wika pa ni San Pedro, hinding-hindi maaabot ang "new normal" kung hindi maaarmasan at mapopondohan nang maayos ang sistemang pangkalusugan:  "Only by raising the bar for health services in our communities, workplaces and schools, can we hope to improve health as the right of every Filipino." — may mga ulat mula kay Ian Nicolas Cigaral

BUSINESS

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

INTER-AGENCY TASK FORCE FOR THE MANAGEMENT OF EMERGING INFECTIOUS DISEASES

MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with