^

Bansa

Sen. Drilon inupakan sa SONA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sen. Drilon inupakan sa SONA
Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senate Minority Leader Franklin Drilon iniugnay sa isyu ng oligarkiya ang political dynasty at mga anak niya.
STAR/File

MANILA, Philippines — Special mention sa ika-limang State of the Nation (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senate Minority Leader Franklin Drilon na isa umano sa mga nagsasamantala habang abala ang gobyerno sa paglaban sa COVID-19.

Binanatan ni Duterte si Drilon matapos iniugnay sa isyu ng oligarkiya ang political dynasty at mga anak niya.

“It is sad that while the government battles the coronavirus, there are those who take advantage of a preoccupied government. One of them is Senator Franklin Drilon. In an interview, he arrogantly mentioned among others that oligarchs need not be rich. Then he linked the anti-dynasty system with oligarchy and the topic was my daughter and son,” ani Duterte.

Ang tinutukoy nito ay sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Davao City Rep. Paolo Duterte.

Nangyari umano ang pahayag ni Drilon sa pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN habang ipinagtatanggol nito ang mga Lopezes.

 “This happened after the Committee on Franchise voted 70-11 to deny the grant of franchise to ABS-CBN. Obviously, he was defending the Lopezes that they are not oligarchs,” ani Duterte,

Sinabi ng Pangulo na nagagawang impluwensiyahan ng mga mayayaman at mga economic elites ang mga public policy pabor sa kanila.

Idinagdag din ng Pa­ngulo na ang media ay makapangyarihang kasangkapan ng mga oligarchs na katulad ng mga Lopezes laban sa mga pulitiko.

Isa aniya siya sa “casualty” ng mga Lopezes noong 2016 election.

Sa huling bahagi ng talumpati ng Pangulo ay muli nitong ibinalik ang isyu tungkol kay Drilon na tinawag niyang ipokrito.

 

SONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with