Sa mga inakusa sa PECO
MANILA, Philippines — Posibleng maharap si lawyer at dating Ilonggo political aspirant Zafiro Lauron sa disbarment makaraang magpakalat umano ng peke at mapanirang-puring akusasyon laban sa pamilya ng Panay Electric Company (PECO) kaugnay sa umano’y offshore bank accounts na sinasabing para sa laundering money.
Kinastigo rin si Lauron dahil sa umano’y ginagawa nitong “fishing expedition” laban sa pamilya Cacho para masira ang kredibilidad ng nasabing pamilya.
Si Lauron, kumandidato subalit nabigo sa ilang pagtatangka na makakuha ng political seat sa Iloilo, ay nagmamay-ari ng maliit na legal firm sa lungsod na may kinalaman sa debt collection.
“Lauron is rehashing an old and long disproven issue. The accusation that either PECO or the Cacho family has any current investments in the British Virgin Islands is categorically false,” pahayag ni Divina Law Partner Atty. Estrella Elamparo.
Ayon kay PECO Head of Public Engagement and Government Affairs Marcelo Cacho, malinaw na “fishing expedition” din ang ginagawa ni Lauron.
“For whatever reason, Lauron is digging up things that have already been resolved just to try to put us in a bad light. He’s calling for an investigation to look for something that’s not even there,” ani Cacho.
Ayon kay Elamparo, ang pahayag ni Lauron ay lumabag sa tatlong rules sa ilalim ng Canon of Professional Responsibility for Lawyers.
Aniya, sa ilalim ng Rules 1.01 at 1.03 ng Canon 1, “A lawyer shall not engage in unlawful, dishonest, immoral or deceitful conduct” and “shall not, for any corrupt motive or interest, encourage any suit or proceeding or delay any man’s cause.”
Bukod dito, isinasaad ng Rule 7.03 ng Canon 7 na, “A lawyer shall not engage in conduct that adversely reflects on his fitness to practice law, nor shall he whether in public or private life, behave in a scandalous manner to the discredit of the legal profession.”
Aniya, kung may lehitimong reklamo si Elamparo ay magsampa ito ng kaso sa tamang forum sa halip na magpalabas ng mga malisyoso at mapanirang puring pahayag sa media.