^

Bansa

Pulis aaktong ‘quarantine rules supervisor’ sa bawat barangay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pulis aaktong âquarantine rules supervisorâ sa bawat barangay
Ito ang sinabi ni Joint Task Force COVID Shield Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar dahil sa tila pagiging kampante ng mga residente sa banta ng CO­VID-19.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Magsisilbing “quarantine rules supervisor” ang bawat pulis na itatalaga sa bawat barangay para sa pagpapatupad ng mga health protocols.

Ito ang sinabi ni Joint Task Force COVID Shield Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar dahil sa tila pagiging kampante ng mga residente sa banta ng CO­VID-19.

Ayon kay Eleazar, marami ang nakakalimot sa sim­pleng health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.

May mga reports din na may ilang nag-iinuman at iba pang labag sa quarantine rules.

“This fight must be brought to the community level and the best way to do it is to make the presence of the police felt in every barangay, especially in areas where Coronavirus infection is high,” giit ni Eleazar.

Sakaling hindi sapat ang pulis, hihingi ang PNP ng tulong sa AFP para tutukan ang mga barangay na mara­ming pasaway.

Giit pa ng heneral na nakikipag-ugnayan na siya kay Interior Secretary Eduardo Año ukol dito.

Suportado rin ni Eleazar ang panukala ni Año na isahang protocol para sa lahat ng lokal ng gobyerno tulad ng 30 araw na pagkakakulong o pagmulta ng nasa P5,000 para sa mga pasaway na lalabag sa quarantine.

vuukle comment

PROTOCOLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with