^

Bansa

3 LGU officials kinasuhan ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 LGU officials kinasuhan ng DILG
Aniya pa, idinulog na rin nila sa Ombudsman ang kaso laban sa alkalde ng Buluan, Maguindanao matapos na mabigong ipagbawal ang mass gatherings sa kan­yang munisipalidad
Edd Gumban, file

Lumabag sa quarantine protocols..

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong administratibo ng Department of Interior and Local Government sa Office of the Ombudsman ang tatlong lokal na opisyal dahil sa pagsuway sa ipinatutupad na quarantine protocols ng pamahalaan.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, dalawang kaso ang inihain nila sa alkalde at konsehal ng Sto. Tomas, Pangasinan, matapos na magdaos ng birth­day celebration/mass gathering na paglabag sa social distancing at umiiral na curfew.

Aniya pa, idinulog na rin nila sa Ombudsman ang kaso laban sa alkalde ng Buluan, Maguindanao matapos na mabigong ipagbawal ang mass gatherings sa kan­yang munisipalidad.

Wala rin umanong natanggap na anumang reply sa show cause order na inisyu nila sa alkalde, kaya’t ikinukonsidera na ini-waive na nito ang kanyang right to reply.

Samantala, pinadalhan rin umano ng DILG ng letter­ of admonition at warning ang isang city mayor at dalawang municipal mayors.

Ang city mayor na mula sa Central Luzon ay sinermunan ng departamento dahil sa pagdaraos ng mass gathering nang ipamahagi ang Social Amelioration Program (SAP) forms sa transport sector.

Isang town mayor naman mula sa Western Visayas ang sinabon ng DILG dahil sa pagtangging payagan ang isang OFW na mula sa isang COVID infected country, na mai-quarantine sa munisipalidad kahit pa may kaukulan ng mga clearance mula sa mga kinauukulan.

Ang town mayor naman sa Ilocos Region ay pinag­sabihan dahil sa ‘unruly behavior’ sa mga pulis na naka­talaga sa isang checkpoint at umano’y lasing pa nang maganap ang insidente.

Bina-validate rin ng DILG ang kaso laban sa isang alkalde sa Cavite dahil sa pagdaraos ng flag ceremony noong panahon ng enhanced community quarantine at mayor sa Batangas na namahagi ng relief goods sa isang barangay hall ngunit bigong maobserbahan ang social distancing.

SOCIAL DISTANCING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->