MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Archdiocese of Manila ang pagpositibo sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) ng isa nilang obispo ilang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, Huwebes nang hapon.
Tinukoy ang nasabing opisyal ng simbahan bilang si Broderick Pabillo, auxiliary bishop at apostolic administrator ng Maynila, na nanatiling asymptomatic sa ngayon.
"[G]od's love is always with us. it is in this spirit that I announce that I am tested positive with the COVID-19 with the RT-PCR test," ani Pabillo sa isang pahayag.
"I know this virus will pass, so please do not worry about me, although prayer would be very much appreciated."
Hindi ito ang unang pagkakataong may nagpositibong pari sa kabisera ng Pilipinas matapos makitaan ng COVID-19 ang isang visiting priest mula Mindanao.
Dahil doon, napilitang i-lockdown ang Quiapo Church noong Hunyo.
Basahin: Quiapo Church reopens after 14-day lockdown
"One of the priests of the Achdiocese will celebrate our common Sunday Mass at 10 a.m. and our Monday [SONA] Mass at noon in the Manila Cathedral, and read the respective homilies that I prepare," sabi niya pa.
MASS FOR PEACE AND JUSTICE | Mga Kapanalig, makiisa sa gaganapin na Mass for Peace and Justice on the day of SONA sa ika-27 ng Hulyo, 12:15 p.m. Ang misa ay pangungunahan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo mula sa Manila Cathedral. #Veritas846 pic.twitter.com/zeL58BCE97
— Radyo Veritas PH (@RadyoVeritasPH) July 22, 2020
Kilalang kritiko ng Anti-Terrorism Act of 2020 dahil sa mala-"diktadura" nitong mga probisyon, pangungunahan pa sana ni Pabillo ang misa sa Manila Cathedral kasabay ng SONA ni Duterte.
Binabatikos ngayon nina Pabillo, sampu ng sari-saring sektor ang nasabing batas dahil maaari rin daw itong gamitin, hindi lang sa mga terorista, ngunit pati na rin daw sa mga kritiko ng gobyerno.
Ngayong araw lang ay isinumite sa Korte Suprema ang ika-12, ika-13, ika-14 at ika-15 petisyon na kumekwestyon sa nasabing batas,
May kaugnayan: Ano ang 'Anti-Terror Bill' at bakit may mga tutol dito?
Sagutang Pabillo-Panelo
Kamakailan lang ay naging laman ng balita si Pabillo matapos niyang hamunin si chief presidential legal counsel Salvador Panelo na kasuhan sila matapos maglabas ng pastoral letter na kumakastigo sa anti-terrorism law.
Una kasing sinabi ni Panelo na tila lumalabag ang mga obispo sa "separation of Church and State" dahil sa nasabing liham, bahay na nakasaad sa 1987 Constitution.
Pero hindi kinagat ni Panelo ang hamon ni Pabillo: "We will simply shrug off such challenge. Pursuing such an action would only give them the excuse to decry government suppression, silencing of voices, and weaponization of the law, similar to what detractors and critics recite when they are hailed to court for their transgressions," ani Panelo sa ulat ng Philippine News Agency (PNA).
"The constitutional provision was quoted as an admonition on the separation of the Church and State in view of the CBCP’s unequivocal attempt at influencing the Supreme Court to decide against the [Anti-Terror Act] in relation to the pending cases before it."