5.2 milyong pamilya, dumanas ng matinding gutom dahil sa COVID-19 – SWS
MANILA, Philippines — Dumanas ng matinding kagutuman ang may 5.2 milyong pamilyang Pilipino sa nagdaang tatlong buwan dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey, sa 1,555 adult Filipinos na tinanong, 20.9 percent ang nagsabing sila ay nagutom dahil wala silang makain.
Ang bilang ang pinakamataas simula noong September 2014 nang 22 percent ng respondents o katumbas ng 4.8 million families ang nakaranas ng gutom, sabi ng SWS.
Sa July survey, 15.8% o may 3.9 million ang nagsabing dumanas sila ng katamtamang kagutuman sa nagdaang 3 buwan habang 5.1 percent o 1.3 million families ang madalas na nagugutom sa nakalipas na tatlong buwan ng pandemic.
Ang pagkagutom ay mataas sa Visayas sa 27.2 percent (1.3 million families), o pagtaas ng12.6% sa nakalipas na survey.
Sinundan ito ng Mindanao sa 24.2% (1.4 million families), Balance Luzon sa 17.8% (2 million families) at Metro Manila, 16.3% (546,000 families).
Ang kagutuman ay mas tumaas sa pamilyang hindi nakatapos ng elementarya (35.6%), sinundan ng mga pamilyang junior high school graduates (20.9%), at college graduates (8.9%).
Ang pandemic ang nagpabagsak sa ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng 2020. Ito na ang kauna-unahang pangyayari sa loob ng 22 taon at nagdulot ng pagkawala ng trabaho ng may 7.3 milyong Pilipino.
- Latest