^

Bansa

NCR balik striktong lockdown kung COVID-19 cases umabot sa 85,000 ngayong Hulyo

Philstar.com
NCR balik striktong lockdown kung COVID-19 cases umabot sa 85,000 ngayong Hulyo
BInabantayan ng opisyal na ito sa Caloocan City ang border sa pagitan ng baranggay 12 at baranggay 8, habang nagpapatupad ng lockdown sa nasabing lugar noong Mayo
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Hindi malayong magbalik sa mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) o modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) oras na magtuloy-tuloy ang paglobo ng coronavirus disease (COVID-19) cases bago ang katapusan, pag-amin ng Malacañang, Miyerkules.

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque kanina sa panayam ng CNN Philippines kanina nang tanungin kung matupad ang revised 85,000 case projection ng University of the Philippines (UP) OCTA Research sa pagsapit ng ika-31 ng Hulyo.

"It's a possibility I wish would not happen. While we have to contain the disease, we have to restart our livelihoods," sabi ni Roque.

"A reversion to MECQ or a more stringent quarantine is possible. I hope it would not happen though."

Basahin: What is modified, enhanced, general quarantine? Here's how to tell the difference

Sa ilalim ng ECQ at MECQ, 100% ng populasyon sa apektadong lugar ay kinakailangang manatili sa bahay para hindi mahawaan ng COVID-19. Sa ECQ, bawal na bawal ang lahat ng uri ng mass hathering.

Maaari lamang lumabas ang mga tao kung kukuha ng mga importanteng pangangailangan katulad ng pagkain o gamot sa ilalim ng dalawang tipo ng lockdown. Suspendido rin ang lahat ng pampublikong transportasyon.

Gayunpaman, mas maluwag nang bahagya ang MECQ dahil papayagan ang ilang ehersisyo sa labas habang hanggang 50% lang ang pwedeng magtrabaho sa piling industriya. Hanggang lima katao lang ang mga pagtitipon na pwede kapag MECQ.

Kasalukuyang nasa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, kung saan may limitadong pampublikong transportasyon na at bawal na lang lumabas ang mga nakatatanda at bata. Pwede na ang 75% ng workforce sa trabaho.

"We've come to a point where the economy can't afford a shutdown anew, but if we have to, we need to do it," sabi ni Roque, habang inaalala ang pinsalang idinulot ng mga lockdown sa ekonomiya.

Sandamukal na negosyo ang permanente o pansamantalang nagsara dahils a pandemya, dahilan para umabot sa record-high na 17.7% ang unemployment rate sa Pilipinas noong Abril 2020.

Oplan Kalinga bilang 'game changer'

Sa kabila niyan, naniniwala ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging "game changer" sa COVID-19 mitigation ang napipintong Oplan Kalinga ng gobyerno, kung saan pwersahang dadalhin sa healthcare facilities ang mga positive cases na nasa bahay.

"Asymptomatic and mild cases won't have to be carriers, they can be isolated," ani Roque.

"Under the program, COVID-19 patients showing no flu-like symptoms will be fetched from their homes and brought to gov't quarantine facilities."

Una nang umani ng batikos ang Oplan Kalinga matapos sabihin ni Interior Secretary Eduardo Año na magha-"house-to-house" ang Philippine National Police (PNP) at local government units para hanapin ang mga asymptomatic at mild patients sa bahay, na noo'y pinapayagang magpagaling mag-isa. Ayon sa ilang kritiko, parang estilong Tokhang ang kautusan.

"Ang gagawin natin, sa tulong ng ating LGUs at Philippine National Police ay iba-bahay-bahay po natin ‘yan at dadalhin natin ang ating mga positive sa ating COVID-19 facilities," ani Año noong ika-14 ng Hulyo.

Sa kabila niyan, itinanggi ni Roque na may bara-barang polisiyang house-to-house at sinabing tanging ang mga pasyente lamang, sa pakikipagtulungan ng LGU, ang dadamputin.

Kasalukuyang nasa 72,269 na ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of health (DOH), Miyerkules. Sa bilang na 'yan, patay na ang 1,843. — James Relativo

LOCKDOWN

MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with