COVID-19 cases sa Pilipinas nadagdagan nang 1,594, lampas 72,000 na

Binabantayan ng pulis na ito ang isang checkpoint sa Lungsod ng Navotas, ika-16 ng Hulyo, habang hinihingian ng quarantine pass ang ilang residente matapos magpataw ng lockdown doon sa pagdami ng COVID-19 infections sa lugar
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines (Updated 6:40 p.m.) — Walang-humpay pa rin ang pagkalat ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ngayong araw, ulat ng Department of Health (DOH) sa isang virtual briefing, Miyerkules.

Sa talaan ng gobyerno, 1,594 ang sinasabing bagong confirmed cases sa pag-ariba ng virus sa bansa, dahilan para maabot ang bilang na 72,269.

"Eighty-nine (89) duplicates were removed from total case count. These numbers undergo constant cleaning and validation," wika ng DOH sa isang pahayag.

Nananatiling aktibo ang 46,803 cases sa bansa, datos na nagpapakita ng mga kasong hindi pa gumagaling o namamatay mula sa kinatatakutang sakit.

Nanggaling sa mga sumusunod na lugar ang karamihan sa mga bagong anunsyong kaso ngayong hapon:

  • National Capital Region (971)
  • Cebu (952)
  • Zamboanga del Sur (53)
  • Negros Occidental (35)
  • Rizal (26)

Sumatutal, yumao na mula sa COVID-19 ang 1,843 tao sa bansa, bagay na mas marami nang anim kumpara kahapon.

"Of the 6 deaths, 5 (83%) in July and 1 (17%) in June. Deaths were from NCR (2 or 33%), Region 6 (2 or 33%), Region 7 (1 or 17%), and BARMM (1 or 17%)," dagdag pa ng DOH.

LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #130 As of 4PM today, July 22, 2020, the Department of Health reports the total number...

Posted by Department of Health (Philippines) on Wednesday, July 22, 2020

Gayunpaman, magaling na mula rito ang aabot sa 23,623 katao. 'Yan ay matapos makapagtala ng karagdagang 342 recoveries ang mga lisensyadong laboratoryo na nagte-test ng mga pasyente.

Kanina lang nang ibalita ni Presidential Security Group (PSG) commander na si Col. Jesus Durante III ang pagkakahawa ng walo sa kanilang mga tauhan, na pawang nakatalaga kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Wala naman sa kanila ang nakasalamuha ng presidente, dahilan upang matiyak na nasa mabuting kalagayan si Pangulong Rodrigo Duterte.

"PSG remains steadfast in being a 360-degree shield for the president and the seat of central power in the country," banggit ni Durante sa isang pahayag kanina.

Arestuhan, hiyaan

Samantala, pinuna naman ng grupong Karapatan ang planong pagpapakulong ni Duterte sa mga lalabag sa mga itinakdang quarantine protocols laban sa COVID-19, bagay na lalo lang daw magpapalala sa pandemic.

Kahapon kasi nang sabihin ni Digong na kinukulong dapat ang mga sumusuway sa restrictions para mabigyan ng mapait na leksyon.

"So we will have to ask our police to be more strict. So hulihin talaga. A little shame would put them on notice forever," ani Digong.

"[I]f you are brought to the police station and detained there, that would give you a lesson for all time."

May kinalaman: Duterte urges police to 'have no qualms' in arresting those not wearing face masks

Babala ni Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, lalo lang daw kasing magkakahawaan ang mga tao kung pare-parehong ilalagay sa mga karsel ang mga lalabag.

"Mass arrests disproportionately affect the poor and would only facilitate the spread of the highly contagious disease through the country’s cramped and congested detention cells and prisons — all while unleashing an epidemic of human rights abuses and violations at the hands of the police, the military, and other State forces," ani Palabay.

Sabi ng grupo, nasa 3,059 sa mga quarantine violators ang nananatiling nakakulong pa rin sa mga selda, lugar kung saan nagkalat na ang virus.

Kinastigo rin ng grupo ang panukala ni Interior Undersecretary Din?o na "hiyain" ang mga positibo sa COVID-19, sa dahilang palalalain lang nito ang stigma sa mga may-sakit.

May kinalaman: DILG exec pushes shame campaign vs stubborn COVID-19 patients

Sa ngayon, 14.56 milyon na ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig. 607,781 sa kanila ang patay na, ayon sa huling taya ng World Health Organization (WHO).

Show comments