MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang pagdaraos ng limitadong face-to-face classes sa ilang lugar na nasa low risk areas o modified general community quarantine.
Iprinisinta ni Education Secretary Leonor Briones sa Pangulo ang panukala at mga kondisyon sa face-to-face classes.
Ayon kay Briones, hindi para sa lahat ng paaralan ang gagawing face-to-face classes.
Hindi rin sa buong limang araw gagawin ang klase sa loob ng eskuwelahan kundi isa o dalawang araw lamang at lilimita- han sa mga importanteng bagay na dapat matutunan ng mga estudyante.
Ibinigay na halimbawa ni Briones ang La Salle na nagsimula na ang face-to-face classes at isang maliit na eskuwelahan sa Siquijor.
Papayagan ang face-to-face classes simula Enero 2021 o sa ikatlong quarter ng school year.
Ang mga pribadong eskuwelahan na nagsasagawa na ng limitadong face-to-face classes simula noong Hunyo ay papahintulutang magpatuloy.
Dapat may koordinas-yon sa pagitan ng DepEd, local government units, at local health authorities.
Titiyakin din ang mahigpit na pagsunod sa health standards at dapat magkaroon muna ng pilot testing at inspeksiyon ang National Task Force Against COVID-19 sa mga eskuwelahang magsasagawa ng face-to-face classes.
Hindi dapat lumampas sa 15 hanggang 20 ang maximum na bilang ng mga estudyante at dapat hindi magkakalapit ang upuan.