^

Bansa

Face-to-face classes sa low risk areas aprub kay Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Face-to-face classes sa low risk areas aprub kay Duterte
Ipri­nisinta ni Education Secretary Leonor Brio­nes sa Pangulo ang panukala at mga kondisyon sa face-to-face classes.
The STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang pagdaraos ng limi­tadong face-to-face classes sa ilang lugar na nasa low risk areas o modified general com­munity quarantine.

Ipri­nisinta ni Education Secretary Leonor Brio­nes sa Pangulo ang panukala at mga kondisyon sa face-to-face classes.

Ayon kay Briones, hindi para sa lahat ng paaralan ang gagawing face-to-face classes.

Hindi rin sa buong li­mang araw gagawin ang klase sa loob ng eskuwelahan kundi isa o dalawang araw lamang at lilimita- han sa mga importanteng bagay na dapat matutunan ng mga estudyante.

Ibinigay na halimbawa ni Briones ang La Salle na nagsimula na ang face-to-face classes at isang maliit na eskuwelahan sa Siquijor.

Papayagan ang face-to-face classes simula Enero 2021 o sa ikatlong quarter ng school year.

Ang mga pribadong eskuwelahan na nagsasagawa na ng limitadong face-to-face classes simula noong Hunyo ay papahintulutang magpatuloy.

Dapat may koordinas-yon sa pagitan ng DepEd, local government units,  at local health authorities.

Titiyakin din ang mahigpit na pagsunod sa health standards at dapat magkaroon muna ng pilot testing at inspeksiyon ang National Task Force Against COVID-19 sa mga eskuwelahang magsasagawa ng face-to-face classes.

Hindi dapat lumampas sa 15 hanggang 20 ang maximum na bilang ng mga estudyante at dapat hindi magkakalapit ang upuan.

CLASSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with