^

Bansa

Opening ng klase tuloy sa Agosto 24 – DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Opening ng klase tuloy sa Agosto 24 – DepEd
Ito ang tiniyak ni Education Secretary Leonor Briones kahapon sa kabila nang bagong batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo para baguhin ang petsa ng pasukan nang lampas sa itinakdang iskedyul nito kung kakailanganin.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Ito ang tiniyak ni Education Secretary Leonor Briones kahapon sa kabila nang bagong batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo para baguhin ang petsa ng pasukan nang lampas sa itinakdang iskedyul nito kung kakailanganin.

Sa isang press brie-fing nitong Martes, sinabi ni Briones na hindi nila pinag-uusapan sa nga-yon na baguhin ang petsa nang pagsisimula ng klase at ang lahat ng kanilang mga isinasagawang paghahanda ay patungo sa pagbubukas ng School Year 2020-2021 sa susunod na buwan.

Wala pa rin naman aniyang Implementing Rules and Regulations (IRR) ang Republic Act 11480, kaya’t tuloy pa rin ang date para  sa class opening.

“Kaya ‘yung opening natin, tuloy pa rin at nakakasa na talaga by I am confident na ready na ready na, lahat naka-sechedule, naka-gear towards,” aniya pa.

Ang Republic Act 11480 ay matatandaang nilagdaan ni Pang. Duterte nitong Lunes at inaami-yendahan nito ang Republic Act 7797, na nagtatakda ng araw ng pagbubukas ng klase nang hindi aaga sa unang Lunes ng Hunyo ngunit hindi lalampas sa huling araw ng Agosto.

Related video:

vuukle comment

IRR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with