MANILA, Philippines — Pinabubusisi ngayon ng isang militanteng mambabatas ang pagkamatay diumano ng ilang preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa coronavirus disease (COVID-19), bagay na nagbunsod ng malaking kontrobersiya lalo na't high-profile ang ilan at walang autopsy na nangyari.
Sari-saring espekulasyon kasi ang lumulutang sa ngayon, lalo na ang teoryang ginamit ang COVID-19 para mailusot ang kanilang pagtakas sa preso.
Isa sa mga prominenteng piguro sa kanila ay si Jaybee Sebastian, isang inmate na tumestigo laban kay Sen. Leila de Lima kaugnay ng diumano'y papel niya sa Bilibid drug trade.
Basahin: Jaybee Sebastian: COVID-19 case or murder?
May kinalaman: DOJ orders probe into high-profile inmates' deaths as BuCor confirms Jaybee Sebastian died of COVID-19
"There seems to be something off with the supposed deaths of nine (9) drug lords, among them Jaybee Sebastian, who was convicted of kidnapping-for-ransom and carjacking in 2009," sabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa isang pahayag, Martes.
"Is it mere coincidence that major drug lords just supposedly died at around the same time of [COVID-19] with no autopsy nor witnesses to prove that they really died because their bodies were supposedly cremated immediately?"
Lumabas sa media ang ilang litrato ng abo diumano ni Sebastian, na pinagdududahan nang ilan dahil sa dami nito — ang ilan, sinasabing peke ito.
Di nyo kami maloloko! Netizen claims Jaybee Sebastian's 'cremated ashes' is fakehttps://t.co/rLE99q1GoI#AbogadoSnitch#JaybeeSebastian pic.twitter.com/eDnzvjbI6o
— Abogado.com.ph (@Abogado_PH) July 20, 2020
Kalimitang sinusunog hanggang maging abo ang mga pasyenteng nagkakaroon ng COVID-19, bilang pagtalima sa protocol ng Bureau of Corrections.
Kaugnayan niyan, nananawagan ngayon ng "full investigation" si Zarate sa pagkamatay ni Corrections Officer 1 Edmund Molina, na natagpuang binaril sa ulo noong Miyerkules.
Hindi pa naman tiyak kung may kinalaman ang pagkamatay ni Molina sa kinasapitan nina Sebastian.
Sotto, gusto ng imbestigasyon
Sa Senado, itinutulak na rin ni Senate President Vicente Sotto III ang imbestigasyon sa isyu nang ihain ang Resolution 468, lalo na't 21 inmates ang sinasabing namatay sa COVID-19 maliban sa 24 pinaghihinlaang positibo.
"Due to unclear, inaccurate and unverified reports, speculations are now being made as to whether or not these NBP inmates actually died due to COVID-19," ani Sotto, habang pinaghihinalaan ang kawalan ng autopsy at hindi pagtatanggal sa kanila sa body bags.
Ayon naman kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, mas mabuti na magpakita ang Bureau of Corrections ng pruweba sa Department of Justice na kay Sebastian nga ang labi na na-cremate.
"The proof of death is a photo of the body. If there is, then doubts will be laid to rest. But there is no need to stage a macabre show by making the photo public. Simply show it to the justice secretary, and if he says that he had seen it, and swears that it is true, then we’ll take his word for it," aniya.
"Kung mayroong CCTV footage of the body being brought out, the better. And why should there be none? A prison without surveillance cameras is like one without locks."
Maliban sa pagdiin ni Sebastian kay De Lima, kilalang magkaaway sa pulitika ang senadora at Pangulong Rodrigo Dutete. Sa kabila ng lahat ng ito, inilinaw na ng DOJ na walang epekto ang pagkamatay ni Sebastian sa kaso ni De Lima.
Bentahan ng kalayaan?
Pangamba ngayon nina Zarate, hindi imposible ang mga teoryang inilulutang na baka pinakawalan lang talaga sina Sebastian, lalo na't may isyu ng heinous crime convicts na napakakalawalan nang maaga kapalit nang pera sa pamamagitan ng "good conduct time allowance."
Basahin: ‘GCTA for sale’ bared
Maliban diyan, nailantad na raw noon sa The Telegraph, isang diyaryo sa United Kingdom, noong ika-14 ng Disyembre 2017 ang kalakaran ng pekeng pagkamatay sa Pilipinas para "makapagsimula ng bagong buhay abroad."
Sa nasabing 2017 report ng U.K. newspaper, inilantad na pwedeng bumili ng P22,000 "death kits" para makakuha ng dokumentong makapagsasabi na namatay ang isang tao. Ginagamitan daw ng bangkay na hindi nakukuha ng pamilya sa mga morgue para maisakatuparan ito.
"Some people have faked deaths to evade prison sentences," sabi ni Zarate, habang sinisipi ang artikulo ng Telegraph.
"In the midst of this pandemic and the previous controversies hounding our penal institutions, transparency and accountability require that the cause of death of these high profile and controversial inmates be fully established beyond the say so of jail officials or crematorium personnel."
Para mapahupa ang duda ng marami, iniutos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isyu, bagay na tanggap naman daw ng BuCor: "In any case, to dispel any doubt regarding the death of PDL Sebastian and eight others, DG Bantag welcomed an independent investigation on the matter," ani Guevarra.