Malacañang bumuwelta sa mga kritiko
MANILA, Philippines — Bumuwelta kahapon ang Malacañang sa mga kritiko lalo na sa mga nakukulangan sa ginagawa ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Ro-que, dapat buksan ng mga kritiko ang kanilang mga mata at isipan at tingnan kung ilang daang libong buhay ang naisalba ng gobyerno.
Ayon kay Roque, hindi nakita ng mga kritiko ang mabilis na aksiyon ng gobyer-no kaya hindi pa umaabot sa mahigit na 3.5 milyon ang may COVID-19 na unang tantiya ng UP COVID- 19 Task Force Esimates.
“Hindi nila nakikita po kung hindi dahil sa mabilis at matapang na desisyon ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte ay hindi lang po sisenta mil ang mga kaso ng COVID-19 ngayon sa Pilipinas. Sa katunayan, ayon po sa UP COVID-19 Task Force Estimates, mayroon na dapat tayo ngayong hanggang mahigit tatlo at kalahating milyong kaso ng COVID-19 kung hindi ipinatupad ang ECQ at MECQ,” sabi ni Roque.
Ayon naman aniya sa isa pang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, isang think-tank na binubuo ng mga karamihan ng UP academics, kung hindi nagpatupad ng lockdown ay aabot sa 20 milyon ang COVID cases sa bansa.
Ani Roque na bagaman at tumataas ang bilang dahil sa agresibong testing, pero magandang balita naman aniya ang patuloy na pagtaas din ng recoveries at pagbaba ng bilang ng mga binabawian ng buhay dahil sa virus.
- Latest