^

Bansa

QC Mayor Joy Belmonte balik-trabaho matapos 'gumaling' sa COVID-19

Philstar.com
QC Mayor Joy Belmonte balik-trabaho matapos 'gumaling' sa COVID-19
Litrato ni Quezon City mayor Joy Belmonte sa kanyang noong ika-30 ng Hunyo, 2019
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Muling magbabalik sa city hall ang alkalde ng Lungsod ng Quezon City matapos umigi ang lagay kaugnay ng pinangangambahang coronavirus disease (COVID-19), pagbabahagi ng pamahalaang Lungsod, Lunes nang umaga.

Ika-8 ng Hulyo nang unang ibalita na tinamaan ng COVID-19 si Quezon City Mayor Joy Belmonte, bagay na umapekto na sa 67,456 katao sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) noong Linggo.

Basahin: QC Mayor Joy Belmonte positibo sa COVID-19

"Balik City Hall na si Mayor Joy Belmonte ngayong araw matapos niyang makumpleto ang mandatory 14-day quarantine period ng [DOH]," sabi ng advisory na inilabas kanina.

"Binigyan si Mayor Belmonte ng clearance ng City Health Department matapos mag-negative ang kanyang rapid diagnostic test na isinagawa kahapon."


 

Balik City Hall na si Mayor Joy Belmonte matapos siyang maka-recover sa COVID-19. Nagpapasalamat siya sa natanggap na dasal, suporta at pagmamahal mula sa QCitizens sa buong panahon ng kaniyang quarantine.

Posted by Quezon City Government on Sunday, July 19, 2020

Una nang nagbabala ang mga medical groups at DOH sa paggamit ng rapid antibody tests para sa COVID-19, sa dahilang maaari itong magbigay ng negatibong resulta kahit positibo pa sa virus ang pasyente.

May kaugnayan: Medical groups warn of 'false negatives' from rapid test kits

Ayon sa pahayag noon ng Philippine College of Physicians at Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases, hindi mairerekomenda ang paggamit ng rapid tests sa unang 14 araw ng karamdaman.

Naiulat na noong 43% lang ang "sensitivity" ng rapid testing at may 71% specificity lang sa unang 15 araw ng sakit. Nas 100% sensitivity namn ito at 64% specificity matapos ang 14 araw.

Hindi "swab" ngunit blood samples ang ginagamit sa rapid antibody testing, bagay na nagreresulta sa mas mabilis na resulta sa loob ng 15 minuto. Gayunpaman, antibodies at hindi mismong virus ang nakikita sa nasabing test kung kaya't may malaking lugar para sa error.

Itinuturing pa rin na "gold standard" para sa pagte-test ng COVID-19 ang Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test, na sinasabing 95%-97% accurate. Pero mas matagal ang resulta nito na tumatagal nang ilang oras hanggang araw.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Belmonte lalo na't hindi siya nagpakita ng anumang sintomas sa kabubuan ng kanyang quarantine.

"Ayon sa mayora, marahil napabilis ang kanyang paggaling dahil sa pagmamahal, suport5a at mga panalangin na ipinagkaloob sa kanya ng QCitizens," sabi pa ng QC local government unit. — James Relativo

--

Disclosure: Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay shareholder ng Philstar Global Corp., na nagpapatakbo ng digital news outlet Pilipino Star Ngayon. Ang artikulong ito ay nilathala batay sa editorial guidelines.

JOY BELMONTE

NOVEL CORONAVIRUS

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with