^

Bansa

Tawa-tawa, lagundi isasalang sa clinical trials vs COVID-19

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Tawa-tawa, lagundi isasalang sa clinical trials vs COVID-19
Una nang inaprubahan ang Tawa-tawa bilang health supplement para sa Dengue at ngayon’ ay pinag-aaralan naman ang bisa nito para sa COVID-19.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Sinimulan na ang clinical trials para pag-aralan ang potensiyal ng Tawa-tawa at iba pang herbal plants bilang dagdag na gamot para sa mga pasyen­teng tinamaan ng CO­VID-19, ayon kay Department of Science and Technology Science Secretary Fortunato De La Peña.

Una nang inaprubahan ang Tawa-tawa bilang health supplement para sa Dengue at ngayon’ ay pinag-aaralan naman ang bisa nito para sa COVID-19.

Nilinaw ni Dela Peña na hindi naman ikinokonsiderang solong gamot kundi ‘adjuvant therapy’ para sa COVID-19.

Nakatuon ang pag-aaral sa tawa-tawa sa potensiyal nito na matulungan ang mga pas­yente na huwag nang magdevelop pa sa mas malalang sintomas ng COVID-19.

Nasa 20 pasyente na ang nakasalang sa clinical trial at nanga­ngailangan pa aniya ng 45 na pasyente ng COVID-19 para sa pag-aaral.

Bukod sa Tawa-tawa, pinayagan na rin ng DOST na isailalim sa clinical trials ang Lagundi laban sa COVID-19.

“The project aims to determine if lagundi, as adjuvant therapy, can provide symptomatic relief for mild COVID-19 patients without co-morbidities. It also aims to determine if lagundi can decrease the number of patients who progress from mild to moderate or severe case,” ani Dela Peña.

Dati nang may mabi­biling Lagundi tablet at syrup na rehistradong gamot para sa ubo. Isa sa sintomas ng CO­VID-19 ang cough o ubo.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with