Printing cost ng learning modules ‘wag ipaako sa mga guro
MANILA, Philippines — Kinalampag kahapon ng isang mambabatas ang Department of Education (DepEd) dahil nanghihingi na ng donasyon sa social media ang mga guro sa pampublikong paaralan para sa gastusin sa pag-imprenta ng learning modules na gagamitin sa online learning.
Ayon kay Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera, nasa P95 bilyon ang pondo ng DepEd para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na kung tutuusin ay dapat balikatin na ng mga estudyante.
“Nais kong malaman ngayon sa DepEd kung bakit mayroong mga guro na kinakailangang mangalap ng mga donasyong bond paper at iba pang materyales para sa pag-print ng learning modules,” ayon kay Herrera.
Sinabi ni Herrera na dapat gastusan ng DepEd ang learning modules mula sa pondo ng General Appropriations Act sa halip na ipabalikat ito sa mga guro.
Kaugnay nito, sinabi ni Herrera na dahil sa pandemya ay hindi nakapag-enrol ang 7M estudyante base sa rekord ng DepEd kung saan ay nasa 20M lang ang nakapagpatala sa online classes.
- Latest