Bakuna sa trangkaso, pneumonia inirekomenda vs COVID-19
MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang mga dagdag pang kumplikasyon ng COVID-19, inirerekomenda ng Department of Health (DOH) sa publiko ang paggamit ng bakuna laban sa flu at pneumonia na kasalukuyang ibinibigay ngayon sa mga health centers.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, makatutulong ang naturang mga bakuna para makaiwas ang isang pasyente sa karagdagang kumplikasyon, sakaling dapuan sila ng COVID-19.
Nagbibigay anya ang mga health centers ng naturang mga bakuna para sa mga bata at matatanda na dapat samantalahin ng publiko.
“It can help you kasi para hindi nagkakaroon ng additional complication ‘yung mga mayroong may COVID-19. ‘Yung mga nagpapa-flu vaccine or pneumonia vaccine, we do not advise against it. We even recommend it because we have that program as well,” ani Vergeire.
Isa sa mga kumplikasyon ng COVID ay pneumonia na pangunahing dahilan ng pagkamatay ng pasyente na dinadapuan ng virus.
- Latest