^

Bansa

Duterte kay Sara: ‘Wag kang mag-presidente!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte kay Sara: âWag kang mag-presidente!
Sa kanyang talum­pati sa Jolo, Sulu, sinabi ng Pangulo na pagod lamang ang makukuha sa trabaho bilang pangulo.
Karl Norman Alonzo/Presidential Photo

MANILA, Philippines — Muling pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak na si Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte na huwag ambisyunin na maging presidente ng bansa.

Sa kanyang talum­pati sa Jolo, Sulu, sinabi ng Pangulo na pagod lamang ang makukuha sa trabaho bilang pangulo.

“Sabi ko sa anak ko, kay Inday, ano -- sabi ko, ‘Day, p***** i** ‘wag mong pasukin ‘yang trabaho na ‘yan. Wala ka talagang makuha diyan, pagod lang,” ani Duterte.

Binanggit din ng Pa­ngulo na kung tutuusin ay mas malaki pa ang suweldo ng ilang heneral kaysa sa kanya.

“Suweldo mo P194,000. Ang ibang ge­nerals dito mas malaki pa sa suweldo ko, totoo lang,” ani Duterte.

Pero binanggit din ni Duterte na sinabihan niya si Sara na puwede lang nitong isulong ang pagtakbo bilang presidente kung para sa pagseserbisyo sa bayan.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nais lamang sabihin n Pangulo na “thankless job” ang trabaho ng presidente.

PRESIDENT DUTERTE

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with