^

Bansa

Pulis, LGU 'magbabahay-bahay' na para damputin ang COVID-19 patients

James Relativo - Philstar.com
Pulis, LGU 'magbabahay-bahay' na para damputin ang COVID-19 patients
Makikita sa April 22, 2020 file photo na ito ang ilang kawani ng Philippine National Police (PNP) habang ipinatutupad ang "hard lockdown" sa Lungsod ng Maynila
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Para maiwasan ang patuloy na pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), "house-to-house" na ang peg ng Philippine National Police at local government units para maidala sa health facilities ang mga pasyenteng nagpapagaling sa tahanan.

Ilan sa mga susuyurin ng state security forces ay ang mga COVID-19 patients na "asymptomatic" at may "mild" symptoms. Bawal na kasi sila mag-self quarantine sa bahay hanggang gumaling dahil sa banta ng hawaan — bagay na pwede dati.

"Ang gagawin natin, sa tulong ng ating LGUs at Philippine National Police ay iba-bahay-bahay po natin ‘yan at dadalhin natin ang ating mga positive sa ating COVID-19 facilities," sabi ni Interior Secretary Eduardo Año sa isang virtual briefing, Martes.

"May Wi-Fi po yan baka hindi na po umuwi yan."

WATCH:Press Conference on Taguig LGU COVID-19 Response with the IATF at the BGC Drive-Thru Testing Area #SafeCity #ilovetaguig

Posted by I Love Taguig on Monday, July 13, 2020

Sa panayam sa radyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles noong Linggo, sinabi niyang dini-"discourage" na ng gobyerno ang home quarantine.

"Dapat quarantine facility na," ani Nograles, lalo na't lumalaki raw ang posibilidad na maipasa ang nakamamatay na virus sa mga kasama ng pasyente sa bahay.

Paalala tuloy ni Año, ipagbigay-alam agad ng publiko sa otoridad kung malaman nilang meron silang kapitbahay na "nagtatago." 

Aniya, alinsunod lang naman daw ito sa Republic Act 11332, o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Tokhang style?

Pinalagan naman ng ilang progresibong grupo ang anunsyo kanina ng Department of the Interior and Local Government, sa dahilang "militarista" ito at maaaring abushin.

Bilang tugon, sinabi ni Kara Taggaoa, national spokesperson ng League of Filipino Students (LFS), na hindi dapat ipagkatiwala sa pulis ang house-to-house operation dahil sa dami ng napatay nila sa Oplan Tokhang.

"We are afraid that this type of COVID-19 response will bring more records of extrajudicial killings and human rights violations. It will be Tokhang in the time of COVID-19," wika ni Taggaoa.

"At this point, we have lost any ounce of trust left for the police. They are abusing the law and authority to justify human rights violations. They have been emboldened by Duterte's pronouncements to implement a military and police state, with severe disregard of the civil society."

Condemn Año's Tokhang-style Covid-19 patient search  July 14, 2020 FOR IMMEDIATE RELEASE Youth group League of...

Posted by League of Filipino Students on Tuesday, July 14, 2020

Umabot na aniya sa 130,000 ang nahuling quarantine violators simula noong lockdown, bagay na nagbunsod diumanong sari-saring human rights violations ng PNP.

Inilutang ng DILG ang ideya apat na araw bago maging epektibo ang Anti-Terrorism Act of 2020, na pwede raw gamitin kahit sa mga kritiko ng gobyerno.

"The near implementation of the Anti-Terrorism Law and Año's Tokhang-style COVID-19 patient search are not mere coincidence," patuloy ng youth leader.

"In the guise of Covid response, they will use any means to suppress the growing outrage of the people neglected by the Duterte regime."

Patuloy ng LFS, kung totoong may paki ang gobyerno sa taumbayan ay nagpatupad na sana ito ng mass testing, kumuha ng dagdag na contact tracers, medical personnel at palakasin ang public health services.

Sa kabila niyan, nauwi lang daw ang tugon ng gobyerno sa ilang buwang lockdown kahit "walang signipikanteng progress" sa medical at livelihood programs.

Umabot na sa 57,545 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling tala ng Department of Health. Sa bilang na 'yan, 1,603 na ang patay. — may mga ulat mula kay The STAR/Manuel Tupas

DEPARTMENT OF HEALTH

EDUARDO ANO

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with