^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa lumobo sa 57,545, magaling sa virus 20,459 na

Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa lumobo sa 57,545, magaling sa virus 20,459 na
Pila ng mga mamimili sa isang grocery store sa Araneta Ave., Quezon City, ika-27 ng Marso, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines (Update 1, 5:55 p.m.) — Wala pa ring humpay ang pagdami ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, isang araw bago magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong quarantine classifications.

Umabot na kasi sa 57,545 ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa pagkaraang madagdagan nang 634 ngayong Martes, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos na 'yan, 35,483 ang sinasabing aktibong kaso, o yaong hindi pa gumagaling o namamatay sa naturang sakit.

Kalakhan pa rin ng mga panibagong kasong nai-record ngayong araw ay mula sa Metro Manila, habang naungusan ng Laguna ang Cebu:

  • National Capital Region (360)
  • Laguna (58)
  • Cebu (32)
  • Bulacan (23)
  • Cavite (21)
  • atbp.

Patay naman sa sakit ang anim pang pasyente, dahilan para umabot sa 1,603 ang kabuuang COVID-19 deaths sa Pilipinas.

Sumatutal, magaling na sa nasabing sakit ang 20,459. Mas malaki 'yan nang 88 kumpara sa bilang na naitala ng DOH kahapon.

Karamihan pa rin sa mga nadadali ng virus ay "mild" lang, habang kapraso lang ang mga nasa kritikal at delikadong kondisyon:

  • mild (91.4%)
  • asymptomatic (7.7%)
  • severe (0.4%)
  • critical (0.5%)

Umaabot na sa 14,945 ang dedicated na higaang gagamitin sa mga pampubliko at pribadong ospital para sa mga COVID-19 suspect, probable at confirmed patients.

"Ang percent utilization para sa lahat ng decicated beds ay nasa 49% or warning zone," paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing.

"What do we mean by warning zone? This means that the health system is not yet overwhelmed. Pero isa itong trigger point upang mas mag-singla na kailangang may karampatang kilos na kailangang gawin upang makapaghanda tayo kung tumataas man ang demand."

Lunes nang sabihin ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na 573 sa 739 intensive care unit beds na ang okupado as of July 8.

Kasalukuyan namang nasa "danger zone" ang bed capacity ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ayon sa isang pahayag kahapon.

Samantala, binanggit na rin ng St. Luke's Medical Center, Makati Medical Center, Chinese General Hospital and Medical Center at Tondo Medical na hindi na sila maaaring tumanggap pa ng mga COVID-19 patients. Limitado na lang din ang pwedeng tanggapin ng San Lazaro Hospital sa ngayon.

Sa kabila niyan, tiniyak naman ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi mao-overwhelm ang critical care capacity ng Pilipinas: "[N]asa 70 % na, manageable naman po yan... Not under the system adopted by Usec. Vega," sabi niya.


Sa ngayon, 12,768,307 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Sa bilang na 'yan, 566,654 na ang binabawian ng buhay, ayon sa World Health Organization. — may mga ulat mula kay the STAR/Alexis Romero

Related video:

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with