MANILA, Philippines — Pinapayagan na ang pag-angkas sa motorsiklo sa mga lugar na napasasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula ngayong July 10. Ito ay ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano.
Ang desisyong ito ay tugon sa kakulangan ng pampublikong sasakyan sa mga nasabing lugar. Pero ito ay may kaakibat na mga kundisyong mahigpit na ipatutupad ng Inter-agency Task Force (IATF):
- Ang pwede lang mag-angkasan ay iyong mga mag-asawa o magkasintahan na nakatira sa iisang bahay. Kailangang magpakita ng ID na may nakalagay na address o kaya kopya ng marriage certificate sa mga checkpoint bilang patunay.
- Kinakailangang maglagay ng tinatawag na protective barriers sa pagitan ng rider at angkas. Ito ay may frame na ikakabit sa gilid ng passenger foot rest ng motorsiklo, batay sa disenyo na isinumite ni Bohol Governor Arthur Yap.
Inulan ng maraming batikos ang pangalawang kundisyon dahil hindi lang ito dagdag gastos kundi dagdag peligro din sa mga nakasakay, ayon sa mga eksperto.
Pero para naman sa mga nagtitiis sa kalbaryong commute araw-araw, mas maigi na ito kaysa wala, lalo pa’t mas bababa ang posibilidad na mahawaan ng COVID-19 kung nakasakay sa motor kumpara sa pagsakay sa mataong bus o tren.
Dahil kakaiba ang disenyo ng barrier, kailangang pag-aralang mabuti kung maikakabit ba ito nang maayos ayon sa disenyo ng motor at kung magiging kumportable pa rin ang mga nakasakay pagkakabit nito.
Kung binabalak pa lang bumili ng motor ay may pagkakataon pang makapili mula sa napakaraming modelo ngayon na merkado. Mainam na makahanap ng akma sa disenyo at sukat para sa kaligtasan at kaginhawaan ng sinumang sasakay.
Sa Motortrade tiyak mahahanap ang iba’t ibang sikat na brands na pwedeng pagpilian.
Para sa karagdagang detalye, mag-log-on lamang sa www.motortrade.com.ph. Maaring ring bisitahin ang kanilang FB page sa facebook.com/motortradeph. Pwede ring mag-apply na online sa https://bit.ly/