^

Bansa

Inflation rate sumipa noong Hunyo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Inflation rate sumipa noong Hunyo
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang bahagyang pagbilis sa inflation rate ay resulta ng mataas na gastos sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan ng mamamayan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bahagyang sumipa sa 2.5 percent ang inflation noong Hunyo sa panahon na apektado ang ekonomiya ng bansa dahil sa ipinaiiral na lockdowns dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang bahagyang pagbilis sa inflation rate ay resulta ng mataas na gastos sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan ng mamamayan.

Sinasabing dahil nagbukas nang muli ang ekonomiya, madami naman ang nangangaila-ngan sa sasakyan at sa aspetong ito ay lumaki ang gastusin ng mga obrero para makapasok sa trabaho.

Marso nang sinuspinde ang public transport at noong Hunyo 1 lamang nagbalik-operasyon ang ilang PUVs.

Sinabi ng PSA na ang singil sa pamasahe ng mga tricycle noong Hunyo ay umakyat ng 26 percent sa buong bansa.

Noong Mayo 2020, naitala ang 2.1% inflation habang noong June 2019 ay 2.7%.

Inaasahan naman ng  Bangko Sentral ng Pilipinas na tataas pa ng  2.6 percent ang inflation sa 2021 dahil sa epekto ng pandemic.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with