^

Bansa

Korte Suprema inulan ng petisyon vs anti-terror law ng mga propesor, grupo

James Relativo - Philstar.com
Korte Suprema inulan ng petisyon vs anti-terror law ng mga propesor, grupo
Makikita sa larawan ang sari-saring abogado at civil leaders gaya nina Howard Calleja at dating Education Secretary Arnub Luistro, na humahamon sa lilgalidad ng Anti-Terrorim Act of 2020, ika-6 ng Hulyo, 2020
News5/Dale de Vera

MANILA, Philippines — Sari-saring pormasyon at personalidad ang naghain ng kanya-kanyang petisyon laban sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020 sa pagbubukas ng Korte Suprema, Lunes nang umaga.

Ilan sa mga humahamon sa constitutionality ng Republic Act 11467 ay ang Makabayan bloc, Far Eastern University-Institute of Law Dean Mel Sta. Maria, University of the Philippines law professor Christopher Lao at iba pa.

Kasama rin sa mga nagpetisyon laban sa batas ay sina Bro. Armin Luistro ng De La Salle University, abogadong si Howard Calleja at Albay Rep. Edcel Lagman.

Biyernes nang isabatas ang Anti-Terrorism Act of 2020, bagay na nababatikos dahil aniya sa pagtapak nito sa karapatang sibil at ilang probisyon na labag daw sa Saligang Batas, gaya na lang ng pag-agaw diumano ng ehekutibo (sa pamamagitan ng Anti-Terrorism Council) sa kapangyarihan ng lehislatura.

Basahin: Ano ang 'Anti-Terror Bill' at bakit may mga tutol dito?

"Filed on the first working day after President Duterte signed RA 11479, the Petition launches a 'facial challenge' to the terror law, or a plea for the Court to review the law and declare it unconstitutional 'on its face' and before its actual enforcement against an injured party," sabi ng Makabayan sa isang pahayag. 

"Its overbroad and vague definition of “terrorism” punishes even free speech and expression, free press, and the right to peaceably assemble and petition the government for redress of grievances."

Dahil sa "kalabuan" ng pakahulugan sa terorismo, maaaring mapuntirya rin daw ng batas kahit ang mga ligal na kritiko ng gobyerno — mga taong hindi naman terorista.

Sabado nang ihain electronically nina Calleja, Lao at Luistro ang kanilang petisyon, dahilan para sila ang mauna sa lahat. Ang pisikal na kopya nito ay kanilang dinala sa Kataas-taasang Hukuman ngayong araw,

Humihingi naman ng temporary restraining order (TRO) ang grupo nina Sta. Maria para mapigilan ang pagpapatupad ng Section 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11 at 12; (b) Sections 25, 26, and 27; at (c) Section 29 ng batas. Ang mga nasabing probisyon ay may kinalaman sa pagde-define ng terorismo, paggagawad ng kapangyarihan sa ATC para magdeklara sino ang terorista at pagkulong nang walang judicial warrant hanggang 24 araw. 

May kaugnayan: Duterte 'walang problema' sa 24-araw na kulong bago kasuhan sa anti-terror bill

Umaasa naman si Bise Presidente Leni Robredo na hindi ipe-pressure ng mga nasa kapangyarihan ang Korte Suprema sa kanilang pagdedesisyon kung ligal ba o hindi ang batas.

Magiging epektibo ang anti-terror act 15 araw matapos itong mailathala sa Official Gazette o hindi bababa sa dalawang pahayagang nasa general circulation.

'Takot' sa malayang pamamahayag

Ayon kina Sta. Maria, nakakabahala ang batas na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dahilang maaari rin nitong masindak ang mamamayan para malayang maihayag ang kanilang saloobin, na protektado ng Saligang Batas.

"The chilling effect that these provisions of law have on the exercise of the constitutional rights to freedom of speech, of expression, of the press, and of assembly should cause this Honorable Court to rule that these provisions are, as they are, unconstitutional," banggit ng grupo nina Sta. Maria.

"If this law will be allowed to take effect, it will legitimize wrongdoings, allow transgressions to constitutional liberties, and give license for wrongdoers to act with impunity."

Ilang media groups na rin gaya ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang nagsalita't nagpakita ng mariing pagtutol laban sa batas nitong Hunyo kasama ang daan-daang organisasyon at indidwal.

Kasama sa multi-sectorial joint statement ng NUJP ang mga abogado, mambabatas, propesor, lider-simbahan, civic action groups, student council, human rights groups, manunulat atbp.

Sa ilalim ng Section 9 ng batas, pwedeng makulong nang 12 taon ang sinumang "nanghihikayat" gumawa ng "terorismo" sa pamamagitan ng mga sulatin, talumpati at iba pang uri nang pamamahayag kahit hindi direktang lumalahok sa terorismo.

"Inciting to Commit Terrorism — Any person who, without taking any direct part in the commission of terrorism, shall incite others to the execution of any of the acts specified in Section 4 hereof by means of speeches, proclamations, writings, emblems, banners or other representations tending to the same end, shall suffer the penalty of imprisonment of twelve (12) years."

Akademya malilimitahan?

Ayon naman sa mga propesor ng batas, matatakdaan din daw ng batas kung anu-ano lang pwede at bawal nilang ituro sa mga paaralan.

"[I]t will inevitably result to the persecution and prosecution of free thoughts and ideas, including academic teachings and learnings, on constitutional rights, freedoms, and democracy as being indispensable components of the exercise of sovereignty," ayon sa mga guro.

"[Professors and academic institutions] should be able to teach that dissent and activism are part of democracy." Gayunpaman, nangangamba silang mabansagan na terorista dahil sa batas.

Hunyo nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi naman aabusuhin ang batas, sa dahilan "may sapat itong safeguards."

'Yan din ang tiniyak ni Philippine National Police Brig. Gen. Bernard Banac dahil sa patong-patong na kritisismong natatanggap ng legislation.

"The PNP assures (the public) that it will not be abused and we shall faithfully uphold all institutional mechanisms that provide safeguards to its implementation," ani Banac.

Sinasabi nila 'yan kahit na tinanggal na ang P50,000 multang ipinapataw sa kada araw na maling pagkakakulong ng sinumang terror suspects, na noo'y sinisiguro ng Human Security Act.

Biyernes lang din nang tawaging malabo ni Sorsogon Gov. Francis Escudero ang RA 11467 sa vlog ng showbiz misis na si Heart Evangelista.

"There are no definitions. It’s too broad, and that’s what makes it worrisome," paliwanag ni Escudero.

"[T]hey should build condidence that this law will not be abused, that this law, will be subjected to the constitutional scrutinity by the Supreme Court and that they will obey." — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag at News5

ANTI-TERRORISM ACT

CONSTITUTION

LAWYERS

MAKABAYAN BLOC

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with