^

Bansa

5 milyong estudyante hindi makakapag-aral

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
5 milyong estudyante hindi makakapag-aral
Aminado ang DepEd na dahil sa kasalukuyang krisis sa bansa ay hindi nila inaasahang makakapasok sa klase ngayong taon ang lahat ng 27 milyong mag-aaral sa public at private schools sa bansa na nagpatala noong nakalipas na pasukan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Posibleng mahigit sa limang milyong estudyante sa bansa ang hindi makakapag-aral ngayong School Year 2020-2021.

Aminado ang DepEd na dahil sa kasalukuyang krisis sa bansa ay hindi nila inaasahang makakapasok sa klase ngayong taon ang lahat ng 27 milyong mag-aaral sa public at private schools sa bansa na nagpatala noong nakalipas na pasukan.

Una nang sinabi ni Edu­cation Undersecretary Jess Mateo na ngayong taon ang projection nila ay 80% lang ng naturang 27 milyong mag-aaral ang papasok sa mga paaralan, na kung susumahin ay nasa 21.6 milyong estudyante lamang.

Kung susundan ang naturang projection ng DepEd, nangangahulugan ito na nasa 5.4 mil­yong kabataan ang posibleng hindi makakapag-aral ngayong taon.

Aminado rin ang opis­yal na kailangan pang ipagpatuloy ang pagkumbinsi sa mga magulang na ligtas naman ang pumasok sa klase dahil wala namang face-to-face classes at mayroon din silang ipatutupad na blended learning.

Hanggang nitong Hul­yo 4 ng umaga, umabot na sa 18,188,110 ang nakapagpatala kabilang dito ang 815,347 sa private at 17,352,947 estudyante sa public schools.

Muli ring tiniyak ni Brio­nes na hindi na nila iuurong at tuloy na tuloy na ang pagbabalik sa klase ng mga bata sa public schools sa Agosto 24, sa pamamagitan ng blended learning methods.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with