^

Bansa

Kumpirmado: Anti-terrorism bill pirmado na ni Duterte

Philstar.com
Kumpirmado: Anti-terrorism bill pirmado na ni Duterte
Isinulat ng raliyistang ito ang kanyang pagtutol sa anti-terrorism bill sa kanyang facemask habang nasa isang kilos-protesta sa UP Diliman, ika-3 ng Hunyo, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines (Update 1, 7:39 p.m.) — Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersyal na anti-terrorism bill, ayon sa pahayag ng Malacañang ngayong hapon.

"Yes," sabi ni presidential spokesperson Harry Roque, Biyernes, sa Philstar.com nang tanungin kung pasado na ito.

"We confirm that President Rodrigo Roa Duterte signed into law Republic Act No. 11479, or the Anti-Terrorism Act of 2020, today, 3 July 2020."

Kahapon lang nang sabihin ni Roque na nasa "final review" na ng legal team ni Digong ang kontrobersyal na panukalang batas, bagay na tinututulan ng marami dahil sa aniya'y pagtapak nito sa karapatang pantao.

Ilan dito ay ang pagpahintulot sa pagkulong ng suspek nang 14 hanggang 24 araw nang walang warrant of arrest at walang pormal na kaso. 

Binibigyan din nito ng kapangyarihan ang Anti-Terrorism Council (ATC), na hindi naman korte, para ideklarang "terorista" ang isang indibidwal o grupo basta't mahanapan nila ng "probable cause."

Basahin: Ano ang 'Anti-Terror Bill' at bakit may mga tutol dito?

May kaugnayan: ‘Anti-terror’ bill defines terrorism vaguely but has clear and specific dangers

Una nang sinabi ng Integrated Bar of the Philippines at iba't ibang grupo ng mga abogado na "unconstitutional" ito sa dahilang inaagawan daw ng kapangyarihan ng ATC ang hudikatura sa mga probisyon nito.

Pangamba naman ng maraming oposisyon at aktibista, maaari itong magamit kahit sa mga kritiko ng gobyerno kahit hindi ka naman terorista. 

Huwebes nang ipasa ng Bangsamoro Transition Authority Parliament ang Resolution 239 para pakiusapan si Duterte na i-veto ang anti-terrorism bill, para na rin mabigyan ang Konggreso ng oportunidad na i-review at sagutan ang iba't ibang isyu rito gaya ng kalabuan, kalawakan ng saklaw at iba pang usapin."

'Tuloy ang laban'

Ilang grupo na ang nagsabing tuloy-tuloy nilang lalabanan ang batas hanggang umabot sa Korte Suprema.

Ilan na nga riyan ay ang National Union of People's Lawyers (NUPL), na nagsalita na hinggil sa mga panibagong pihit ng sitwasyon.

"It ain't over yet. We will not cease to exhaust any and all legitimate steps and platforms to challenge this draconian law," wika niya sa isang Facebook post.

"In time, we will look back to this day of infamy and say the unbridled and terrorizing power of the government will always bend and retreat eventually when the people push back hard enough."

Tinawag din ng NUPL bilang "most unpopular" legislation ang anti-terrorim bill, lalo na't itinutulak daw ito ng gobyernong uhaw sa kapangyarihan.

Inaasahan din na maghahain ng kanyang petisyon laban sa anti-terrorism bill siu retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio. Gayunpaman, wala pang petsa kung kailan nila ito ihahain.

"[T]he anti-terrorism act as part of the land, it is as if the Philippines is permanently under a situation worse than martial law," banggit ni Carpio.
Ilang probisyon ng batas ang matatawag na "mas matindi pa sa batas militar," sa dahilang hanggang tatlong araw lang maaaring mamalagi sa kulungan ang mga taong hindi pa nakakasuhan. — James Relativo at may mga ulat mula kay Priz Magtulis at Kristine Joy Patag

ANTI-TERRORISM BILL

HARRY ROQUE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with