^

Bansa

Record-high: 1,531 COVID-19 cases naidagdag sa 'Pinas ngayong araw, kaso lampas 40,000

Philstar.com
Record-high: 1,531 COVID-19 cases naidagdag sa 'Pinas ngayong araw, kaso lampas 40,000
Nagsusuot ng kanyang personal protective equipment ang healthcare worker na ito habang nagsasagawa ng swab testing activity sa baranggay Pasadena, San Juan noong ika-6 ng Mayo, 2020
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines (Update 1, 6:31 p.m.) — Hindi pa rin humuhupa ang pagdami ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa bago magsimula ang unang weekend ng Hulyo, pagkukumpirma ng Department of Health (DOH), Biyernes.

Umabot na sa 40,336 ang kaso ng virus sa bansa, bagay na mas marami nang 1,531 kumpara sa ini-report kahapon ng gobyerno.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng panibagong naulat na COVID-19 cases sa isang araw lang sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nagmula ang mga 'yan sa 688 "fresh" cases at 843 "late" cases na inilabas ngayon ng DOH. Ito'y nanggaling sa mga test results na ibinahagi sa mga pasyente sa nakalipas na tatlong araw at apat na araw pataas.

Narito naman ang pagkakaiba ng lagay ng 26,858 na aktibong kaso sa ngayon, na nangangahulugang 'di pa sila gumagaling o namamatay sa sakit:

  • 1,289 asymptomatic (4.8%)
  • 25,403 mild (94.6%)
  • 139 severe (0.5%)
  • 27 critical (0.1%)

Malas namang bawian nang buhay ang anim na karagdagang kaso, dahilan para umakyat na ang local COVID-19 death toll sa 1,280.

"All reported deaths occurred in June," paliwanag ng DOH sa isang pahayag.

Matatandaang naitala ang pinakamaraming bilang ng namatay sa virus sa bansa sa pagtatapos ng Marso 2020, kung saan umabot nang halos 40 ang namatay dahil sa contagion.

Ligtas naman na sa nakamamatay na virus ang 400 pa, bagay na nagpasipa sa COVID-19 recoveries sa 11,073.

Dahil dito, lampas na ito sa 40,000 tinantya ng ilang UP researchers na maabot sana noong nakaraang Lunes.

Bagama't hindi naabot ang naturang projected cases noong araw na 'yon, 10,000 pa ang aniya'y nagpositibo sa COVID-19 na dumadaan pa sa validation. Kung bibilangin din ang mga 'yon, 46,272 na ang nagpositibo sumatutal noong ika-28 ng Hunyo.

Basahin: Roque nagbunyi vs COVID-19 projection ng UP kahit 10k pang 'positibo' hinahabol

Nasa 10.53 milyon na ang nahahawaan ng sakit sa buong daigdig, sabi ng World Health Organization sa kanilang huling tala. Sa bilang na 'yan, 512,842 na ang patay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with